Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Direk Joyce tumba kay Gov. Vi sa pagbabarek

Direk Joyce tumba kay Gov. Vi sa pagbabarek

xian vi joyce angel foto copy copy

GUSTONG maging kaibigan ni Governor Vilma Santos-Recto si direk Joyce Bernal. First time silang nagkatrabaho sa “Everything About Her” at anang actress-politician, maganda ang naging working relationship nila.

“Walang tension sa set. Jologs si direk. Cool lang siya at anything goes,” sambit ni Gov. Vi sa presscon ng “Everything About Her.”

Drinking buddies sila after work, nagbabarek (term sa katalugan na ang ibig sabihin ay nag-iinuman) sila. Sabi ni direk Joyce, “tumba” siya kay Gov. Vi. Malakas daw itong uminom ng red wine. “Bagsak agad ako. Pero siya, hindi (laughs),” ani direk Joyce.

Aniya pa, “binuhay” muli ni Gov. Vi ang passion niya sa pagdidirek. Dumating siya noon sa puntong na-burnout siya. Nawalan siya ng gana.

Nang alukin siya ng Star Cinema ng project na pagbibidahan ni Gov. Vi, yes agad siya. “Sino ba naman ang tatangging makatrabaho ang isang Vilma Santos?” ani direk Joyce. “Hayun, bumalik ang passion ko. Wala akong pakialam kung governor siya. Kinalimutan kong best actress siya at handa ako sa open letter (laughs).”

Pinagbawalan

Ayon naman kay Gov. Vi, magaling mag-motivate si direk Joyce. Pinagbawalan silang mag-usap at magkita ni Angel Locsin kapag nasa set sila ng EAH. Sa story kasi, hindi sila close ni Angel. Kaya kapag actual take na, naitatawid nila ang tamang emotions na hinihingi sa kanilang respective roles. “Solo-solo kaming ni-rehearse ni direk,” ani Gov. Vi.

Same with Xian Lim. Pinagbawalan din siya ni direk Joyce batiin at kausapin sina Gov. Vi at Angel kapag nasa set sila. Nag-worry nga si Xian na baka magalit sa kanya ang mga ito. Baka isiping suplado siya.

“Wala akong pakialam kung magalit sila (Gov. Vi at Angel) sa ’yo,” ang sabi sa kanya ni direk Joyce.

Ayon kay Xian, he feels so blessed na nakatrabaho niya sina Gov. Vi, Angel at direk Joyce. “Bago kami mag-shoot, they make sure na alam ko ang character ko. I had a nice experience working with them. Marami akong natutunan sa kanila. Very supportive sila,” pahayag ni Xian.

Aniya pa, sobrang bait ni Gov. Vi. Pantay-pantay ang treatment nito sa lahat ng co-workers nila sa set. Parati itong may dalang pandesal na may palamang cheese pimiento. Ayaw raw ng actress-politician na may nagugutom sa set.

Kinarir

Kung pinuri nina Gov. Vi at Angel si Xian sa performance nito sa EAH, gano’n din si direk Joyce. Aniya, months before nagsimula ang shooting ng EAH, nag-character analysis si Xian. Nag-character preparation at character development ang Kapamilya actor. Nag-immersion siya.

“Sobrang nagtrabaho si Xian for his role. Kinarir niya talaga,” ani direk Joyce.

Ang EAH ang unang major film project ni Xian bilang isang drama actor na hiwalay sa love team nila ni Kim Chiu. Sa mga papuri nina Gov. Vi, Angel at direk Joyce sa akting ni Xian, kaabang-abang ang ipinakita niyang performance.

Showing on Jan. 27 ang EAH at mahuhusgahan na ang akting ni Xian kung totoo nga ang mga papuri sa kanya. Huwag sanang ma-disappoint ang moviegoers sa kanilang expectations kay Xian.

comments