Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derek at Kiray: ‘Kainan ng labi’

Derek at Kiray: ‘Kainan ng labi’

23loveisblind copy copy

ANG saya-saya at ’kaaliw ang presscon ng “Love is Blind.” Nag-moment si Kiray Celis sa kanyang mga pasabog. Biggest break ever niya ito at take note, si Derek Ramsay lang naman ang kanyang leading man.

Kasama rin si Solenn Heussaff at first time nila nagkatrabaho ni Derek nine years after they broke up. They were together for four years.

Parehong may kissing scenes si Derek with Kiray and Solenn. Kuwela ang pasabog ni Kiray at aniya’y first screen kiss niya ’yun. Akala raw niya, smack lang.

“Gumagalaw ang mga labi niya (Derek). Kinakapa niya ang mga labi ko. Hinahatak niya. Inisip ko na lang, sobrang sanay na si kuya (tawag niya kay Derek) sa gano’ng eksena. Hindi ako na-inform na ang smack kissing pala’y kainan ng labi,” sabi ni Kiray.

Ayon naman kay Derek, first time niya na-intimidate sa kissing scene. Tingin daw niya kasi’y pamangkin niya si Kiray. “Para siyang tuod. Para siyang bangkay noong hinahalikan ko siya,” ani Derek.

Bago sila nag-take, uminom muna siya ng wine at saka nag-tootbrush, nag-mouthwash, nagpabango.

Special forever

Hindi naging madali kay Solenn Heussaff ang kissing scene nila ni Derek Ramsay sa “Love is Blind.” Siyempre, may “past” sila. “Lord, kaya ko ’to,” nasabi na lang niya sa kanyang sarili bago kunan ang kanilang kissing scene. Aniya pa, sanay naman siya sa open mouth kissing, pero ninerbiyos pa rin siya.

Ayon naman kay Derek, habang kinukunan ang kissing scene nila ni Solenn, nag-flashback sa kanya ’yung memories nila noong “sila” pa. Naging emotional siya. “The last time I kissed her was nine years ago,” he said.

Aniya pa, nagmahalan talaga sila noon ni Solenn. They had so much fun spending time together. Nagta-travel sila sa iba’t ibang lugar. Very special sa kanya si Solenn and to his family. Ipinangalan pa kay Solenn ang isa niyang pamangkin, ayon kay Derek. Ninang din nito si Solenn.

Hanggang ngayon kahit may kanya-kanya na silang karelasyon, special pa rin sa kanya si Solenn. “When the relationship ‘died’ (noong nag-break sila), I never turned my back on her. I broke my own heart when I broke up with her,” madamdaming pahayag ni Derek. Aniya pa, pinagsisihan niya kung bakit nakipag-break siya noon kay Solenn. Hindi niya nakayanan ang long-distance love affair nila. Nag-aral kasi si Solenn sa ibang bansa.

Di nawala

May pagsisisi ba o panghihinayang na naghiwalay sila?

“I cannot tell,” sabi lang ni Solenn.

“Hindi naman siya nawala sa buhay ko,” sambit naman ni Derek. “Nasa buhay ko pa rin siya hangang ngayon. We’re still friends. Everything happens for a reason. I love her dearly. I’m happy for her. She’s happy with someone else. I will always be there for her. She can call me anytime.”

Ayon pa kay Derek, alam ng present partner (girlfriend) niyang si Joanna Villablanca kung gaano ka-special sa kanya si Solenn. Very understanding ang GF niya. “Nothing to worry about,” sabi ni Derek.

Same with Solenn’s Argentinian fiance na si Nico Bolzico. Never itong nagtanong tungkol kay Derek at sa mga eksena nila sa “Love is Blind.” Never itong nagtanong kung ano’ng oras siya uuwi kapag nasa set siya ng LIB, ayon kay Solenn.

Mag-inarte ba?

Kasama rin si Kean Cipriano sa cast ng “Love is Blind.” Hindi niya diretsang sinagot ang tanong kung buntis na nga ba ang wife niyang si Chynna Ortaleza. Ani Kean, it’s something so sacred. “We want to keep it to ourselves na lang,” ang pakiyeme ni Kean.

Comment tuloy ng press, kasal na naman sila ni Chynna, bakit daw may ganoon pang pag-iinarte si Kean? ’Yung iba nga raw, ipinagbabanduhan pang magkaka-baby na sila, kahit wala pang basbas ng kasal. Well… kanya-kanyang trip lang ’yan. Wala na lang basagan.

In any case, ’kaaliw ang ipinakitang trailer ng “Love is Blind.” Riot sa katatawanan ang mga eksena. Nang i-launch ng Regal Entertainment ang full trailer nito sa social media, umani ito ng mga papuri mula sa netizens at sa loob ng isang linggo, more than one million views and likes ang nakuha nito.

Sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana, pre-Valentine offering ang “Love is Blind” na ipapalabas simula Feb. 10. May mall shows ang cast sa Starmall Alabang on Jan. 30 at 5 p.m., Starmall Bulacan at Ayala Fairview Terraces (Jan. 31), Starmall Cebu (Feb. 6) at Market Market (Feb. 7).

comments