Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Direk Joyce: Barbie may pagka-Judy Ann

Direk Joyce: Barbie may pagka-Judy Ann

ANDRE AT BARBIE copy

SOBRANG bagets pa si Barbie Forteza noong nagkatrabaho sila ni direk Joyce Bernal sa GMA series, “Stairway to Heaven.” She was 11 or 12 years old then.

Ayon kay direk Joyce, nakitaan niya noon ng pagka-Judy Ann Santos si Barbie. “Siguro dahil sa mukha (hugis). Joke!”

sabi ni direk Joyce sa presscon ng “That’s My Amboy” kung saan magkatrabaho silang muli ni Barbie, now 18 years old.

Seriously, ayon kay direk Joyce, nakita niya kay Barbie ang pagmamahal at dedication sa trabaho. Nakita niya ang passion ng Kapuso young star sa craft nito. Parang younger version ni Juday si Barbie. Ganoon daw si Juday noong kabataan nito, ayon kay direk Joyce. Pareho rin daw makinis ang kutis nina Juday at Barbie. If you may care to know, good friends sina Juday at direk Joyce.

Sabi pa ni direk Joyce, sa GMA Artist Center talents, si Barbie talaga ang gusto niyang makatrabaho. Thankful siya na sa kanya ipinagkatiwala ng GMA idirek ang “That’s My Amboy,” topbilled by Barbie Forteza and Andre Paras.

Naitanong kay direk Joyce kung paano siya mag-handle ng mga katrabaho niyang artista. “Nagmumura ako! Nananapak ako!” pabirong sabi ni direk.

Never nabalitang ginawa ’yun ni direk. Aniya, umiinit din ang ulo niya kapag hindi magawa ng artista ang gusto niyang akting. “Umaalis lang ako sandal sa set para mag-chill. Hindi ako makapagdirek kapag mainit ang ulo ko.

Kailangang Masaya ako,” pahayag ni direk Joyce.

Ayaw magpa-pressure

Almost two years tumagal sa ere ang “The Half-Sisters” na pinagbidahan nina Barbie Forteza at Andre Paras.

Top-rating show ito sa GMA Afternoon Prime series.

Follow-up project nila ang “That’s My Amboy” (TMA) na prime time offering naman ng GMA na mapapanood simula ngayong Lunes sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Little Nanay.”

Ayon kay Barbie, hindi niya iniisip ang magiging rating ng TMA. Ayaw niyang magpa-pressure na just because top rater ang “The Half-Sisters,” kailangang bongga rin ang rating ng TMA. “Mas gusto kong isiping sana’y magustuhan din ito ng viewers. Sana’y suportahan din ang TMA,” wika ni Barbie.

Nag-second the motion si Andre. Aniya, “We just love what we do. We just do our best. We don’t want to think about ratings. We just want to enjoy the show,” sambit ni Andre.

He plays Bryan Ford, American boy na nag-artista. Personal assistant (o alalay) naman niya si Barbie bilang Maru.

Light, romantic comedy series ang TMA kung saan tampok din sina Kiko Estrada, Donita Rose, Tonton Gutierrez, Matet de Leon, John Arcilla, Meryll Soriano, atbp.

Kapuso na

Talking about Tonton Gutierrez, Kapuso na siya ngayon at gumaganap siya bilang Alberto Romero, isang dating matinee idol at ladies’ man sa “That’s My Amboy.” Siya ang biological father ni Maru (Barbie Forteza). Si Donita Rose (as Cecille), dating aktres ang ina ni Maru. Nabuntis ni Alberto si Cecille, subalit hindi siya nito pinanagutan.

May ongoing teleserye pa si Tonton sa ABS-CBN with Richard Gomez and Dawn Zulueta, ang “You’re My Home” at aniya’y hindi pa niya alam kung “papatayin” din ang kanyang karakter. Sa isa naman niyang afternoon series sa ABS-CBN din, “And I Love You So” ay “pinatay” na ang kanyang karakter.

Joke naming kayTonton sa presscon ng “That’s My Amboy,” lagarista siya. May show siya sa ABS-CBN, meron din sa GMA.

“Bahala na si ’Nay Lolit (Lolit Solis, his manager). Kapag nademanda ako, magkasama kami sa kulungan (laughs),” ani
Tonton.

Aniya pa, wala naman siyang network contract. Kung saan may maibibigay na trabaho sa kanya, du’n siya. Basta kung ano’ng sabihin ng kanyang manager, sunod nalang siya.

Mag-Kapuso na sila ngayon ng wife niyang si Glydel Mercado. Looking forward si Tonton na magkasama sila ni Glydel sa isang future project ng GMA.

Proud daddy

Proud daddy si Ryan Agoncillo sa third child nila ni Judy Ann Santos na si Juana Luisa, Luna for short. Ipinost ni Ryan sa kanyang Instagram account ang picture ni Baby Luna.

Super cute ang bagets na ipinanganak ni Juday noong Jan. 8 via ceasarian operation. Ilang araw ring namalagi sa hospital ang mag-ina at binantayan sila ni Ryan.

Tutok talaga sila kay Baby Luna for fear na baka ma-kidnap ito o mapalitan ng ibang baby. May mga ganito kasing pangyayari sa ibang hospital, kaya naniguro lang sina Ryan at Juday sa safety ng kanilang baby. Sina Yohan at Lucho ang dalawa pang anak nina Ryan at Juday.

comments