Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derek pleased that friendship with Angelica has resumed

Derek pleased that friendship with Angelica has resumed

Derek Solenn 2 copy

‘KAALIW ang trailer ng “Love is Blind”. Mukhang panalo na naman ito sa box office, gaya ng huling pelikula ng Regal Entertainment, ang “Haunted Mansion,” na entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

“I don’t care about the ranking. What is important ay kumita ang movie (laughs),” anang Regal producer na si Mother Lily Monteverde.

Oo nga naman! Wala naman kasing ipinalabas na official ranking ng festival entries ang MMFF executive committee.

Sa presscon ng “Love is Blind,” bukod sa naitanong kina Derek Ramsay at Solenn Heussaff ang kanilang “past,” naitanong din kay Derek ang tungkol sa pag-follow muli ni Angelica Panganiban sa kanyang social media account.

Binati siya ng kanyang ex-girlfriend noong nakaraan niyang birthday.

Ani Derek, happy siya na okey na sila ngayon ni Angelica. They were together for six years. Naging close rin si Angelica to his family.

Hindi naman daw isyu sa current girlfriend niyang si Joanna Villablanca kung binate siya ni Angelica noong nakaraan niyang birthday.

Si Joanna na kaya ang “the one” for him? Ani Derek, he’s not getting any younger at iniisip na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya. Hopefully, si Joanna na ang makakasama niya for the rest of his life. May 8-year-old daughter ang kanyang girlfriend at tanggap ng bagets ang kanilang relasyon. May 12-year-old son naman si Derek from a previous relationship.

Si Solenn Heussaff na kasama ni Derek sa “Love is Blind” at nakarelasyon niya for four years ay getting married na this year sa Argentinian fiance nitong si Nico Bolzico. Sa France ang kanilang kasal.

Daddy’s ex-GF

Nilapitan at bineso-beso ni Kiko Estrada si Donita Rose noong presscon ng “That’s My Amboy.” Si Donita ang ex-girlfriend ni Gary Estrada na daddy ni Kiko. Si Cheska Garcia na kapatid ni Joko Diaz ang biological mom ni Kiko.

Former members ng “That’s Entertainment” sina Gary at Donita. Doon sila nagkakilala hanggang nagkain-love-an sila.

Mala- Romeo and Juliet ang kanilang love story dahil tutol ang mommy ni Donita kay Gary.

Dahil pareho pa silang mga bata noon, hindi nila nagawang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan hanggang naghiwalay sila.

Non-showbiz ang napangasawa ni Donita, si Eric Villarama, at may isa silang anak na lalaki.

Si Bernadette Allyson naman ang naging wife ni Gary at tatlo (o apat ba?) ang anak nila. Hindi na gaanong aktibo ngayon si Gary sa showbiz at mas focused siya sa politics. Board member siya sa San Antonio, Quezon.

Ang anak niyang si Kiko ang aktibo naman ngayon sa showbiz. Magkasama sina Kiko at Donita Rose sa “That’s My Amboy.”

He calls her Tita. Huling napanood si Donita sa “Let the Love Begin” with Ai-Ai de las Alas, Gabbi Garcia, and Ruru Madrid. Kontrabida ang role niya roon. Bait-baitan naman siya sa “That’s My Amboy,” which airs Monday to Friday after “Little Nanay” sa GMA Telebabad.

No lovelife

Hindi lang paglalaro ng basketball ang isinantabi ni Andre Paras, kundi pati ang kanyang lovelife. Hindi raw siya naiinggit sa kapatid niyang si Kobe na meron nang girlfriend.

Ani Andre, mas gusto niyang mag-focus sa kanyang showbiz career.

Pinapili raw siya ng kanyang daddy (Benjie Paras) kung alin ang gusto niya. Dapat daw kasi’y isa lang ang focus niya. “I love showbiz, kaya, ito ang pinili ko,” sambit ni Andre sa presscon ng “That’s My Amboy.”

Feeling blessed siya at sobrang thankful siya sa magandang itinatakbo ng kanyang career. Sunud-sunod ang TV at movie projects ni Andre. Si Barbie Forteza ang kapareha niya sa “That’s My Amboy.”

comments