Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » What Vic found in Pauleen

What Vic found in Pauleen

Pauleen Luna

Week-long ang Vic-Pauleen pre-wedding special sa “Eat Bulaga.” Ilang araw na lang at magaganap na ang big day nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Sa isang simbahan sa Alabang ang kanilang kasal on Saturday night, January 30,2016.

Babe ang tawagan nina Vic at Pauleen sa isa’t isa, ayon kay Vic. Magpa-five years na sila together bilang mag-BF-GF at sa Sabado, magiging certified Mrs. Vic Sotto na si Pauleen . “I cannot wait to be your wife,” sabi ni Pauleen kay Vic noong bridal shower cum bachelor’s party nila sa “Eat Bulaga.”

Ani Vic, wala na siyang hahanapin pa sa physical looks ni Pauleen. Pero higit pa roon, mas nagustuhan niya ang mabuting kalooban ng kanyang bride-to-be. May maganda itong puso. Mabait na anak, kaibigan at mabait na kapartner.

Ano kaya ang reaction ng mga babaeng nakarelasyon at minahal din ni Vic? For the longest time, elusive bachelor si Vic. Maski ang manager ni Pauleen na si Lolit Solis ay nagsabing hindi mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Pauleen at Vic. Pinanghawakan niya ang track record ni Vic na hanggang pakikipag-relasyon lang ito at hindi magpapakasal.

But then, dumating kay Vic ang tamang panahon para pakasalan ang tamang babae para makasama niya for the rest of his life. Si Pauleen ang itinakda para maging Mrs. Vic Sotto. Best wishes and congratulations sa bride and groom.

Break narin?

Matapos aminin ni Zanjoe Marudo na break na sila ni Bea Alonzo, inaabangan naman ang opisyal na pahayag ni John Lloyd Cruz sa totoong estado ng relasyon nila ni Angelica Panganiban.

Bagaman sa isang interbyu kay Angelica ay sinabi niyang “sila” pa rin ni John Lloyd, may tsikang diumano’y break na sila. January 16 diumano naghiwalay sina John Lloyd at Angelica.

Wala pa ring pahayag si Bea sa break-up issue sa kanila ni Zanjoe. Kahit umamin na ang huli, wala naman siyang sinabing dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.

Deadma rin ang Kapamilya actress sa isyung diumano’y may “something” between her and John Lloyd. How true kaya na diumano, sina John Lloyd at Bea ang nag-initiate ng break-up sa kanilang respective partners?

May mga nagtatanong naman, ano raw kaya ang motibo ni Angelica na i-follow muli ang ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay sa social media account nito? Binati pa niya ang hunk actor noong nakaraan nitong birthday.

Nananahimik

Bakit nga ba patuloy ang pananahimik ni Valeen Montenegro sa isyung diumano’y siya ang third party sa hiwalayan ng mag-asawang Jojo Oconer at Ciara Sotto? Ang dating sa ibang kanyang pananahimik ay “Silence means yes.”

Bagaman, hindi pinangalanan ni Ciara kung sino, bakit lumabas ang pangalan ni Valeen? Kung hindi totoo, pwedeng agad-agad nag-deny si Valeen. Ilang lingo na ang nakalipas nang ipost ni Ciara sa kanyang social media account na bumalik na siya sa bahay ng kanyang parents kasama ang anak nila ni Jojo.

Kung gusting linisin ni Valeen ang kanyang pangalan, bakit hinahayaan niyang tawagin siyang kung anu-ano ng kanyang bashers?

Si Meg Imperial na nadamay din ang pangalan sa hiwalayan nina Jojo at Ciara ay agad nag-deny. Aniya, hindi siya pumapatol (at papatol) sa lalaking may asawa na. Hindi raw niya kilala si Jojo. So, there!

Christian wedding

Ngayong Miyerkules (January 27) ang Christian wedding nina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa Balesin Island sa Quezon. Sa isang interbyu kay Cristine, sinabi niyang sila lang ni Ali, ang pastor na magkakasal sa kanila at ang wife nito ang mga tanging saksi sa kanilang kasal. Matupad kaya ‘yun? O, naiba ang plano?

Hindi raw imbitado ang respective families nila. Ang mahalaga raw ay mabasbasan ang pagsasama nila ni Ali. Ayon pa kay Cristine, magkakaroon sila ng isa pang wedding at ‘yun ang paghahandaan nila ni Ali.

comments