Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Janice, hindi pa handa kay John

Janice, hindi pa handa kay John

Janice De Belen

At least, nagpakatotoo lang si Janice de Belen sa sinabi niya sa “Tonight with Boy Abunda” na hindi pa siya handa makatrabaho ang ex-husband niyang si John Estrada. Aniya, magiging complicated kapag nagkatrabaho sila dahil sa sitwasyon nila. Weird nga naman ‘yun.

Ayon pa kay Janice, hindi niya kaya ‘yung set-up nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na kaibigan nila si Michelle Van Eimeren na ex-wife ni Ogie. Nagba-bonding sila kasama ang Australian present husband ni Michelle nasi Mark Murrow.

Ani Janice, magkakaiba sila ng personalities. Oo nga naman! Marami nga ang nawe-weirduhan sa set-up nina Ogie, Regine, Michelle at Mark.

Mas nakaya pa ni Janice makipagtrabaho kay Priscilla Meirelles na present wife ni John. Magkasama sila sa isang teleseryeng ABS-CBN topbilled by Erich Gonzales and Daniel Matsunaga. Ani Janice, wala naming problema working with Priscilla. Pero hindi niya nakikitang magiging friends sila. At least, nagpakatotoo lang si Janice. For that, hinangaan namin siya dahil hindi siya nagpaka-showbiz on national TV. Hindi siya nagpaka-plastik sa mga pahayag niya tungkol kina John at Priscilla.

Sweet-sweetan

Naging viral sa social media ang snapshot video ni Jasmine Curtis-Smith ng picture nila ni Erwan Heussaff, boyfriend ng kanyang ate Anne Curtis. Magkalapit ang kanilang mga mukha na hinalikan ni Erwan si Jasmine sa pisngi.

Too close for comfort sila na nabigyan ng malisya ng ibang netizens. Sa kulturang Pinoy kasi, parang mahalay (o mahalay na nga) na maging sweet-sweetan ang kapatid sa boyfriend o girlfriend (o asawa) ng iyong kapatid.

Parehong may dugong banyaga sina Jasmine at Erwan, kaya siguro, wala lang ‘yun sa kanila. French ang daddy ni Erwan, Australian naman ang daddy ni Jasmine.

Just curious, ano kaya’ng reaction ni Anne at ng ex-boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion? May mga nagsabi namang mas bagay sina Jasmine at Erwan. Nasa twenty’s sila pareho, samantalang si Anne ay early 30’s na. Two or three years older siya kay Erwan. Naalala tuloy namin ang pelikulang “HuwagBayaw.” Wala lang!

Item

Noon pa may nakapagtsika sa amin na isang dancer ang diumano’y someone special ni Kylie Padilla. Hindi alam ng source namin ang name ng guy. Basta, nagkasama raw noon si Kylie at ang dancer sa isang musical-variety show ng GMA7.

“Item” ngayon sina Kylie at Julian Trono. He must be that guy na sinabi sa amin ng source. Dancer si Julian. May dapat bang aminin o i-deny sina Kylie at Julian?

Na-link noon si Kylie kay Benjamin Alves. Kilig-kiligan pa niyang sinabi sa mga nakausap niyang entertainment writers na dumalaw sa taping ng isang TV show niya noon na may nagpapasaya ng puso niya. Pinangalanan niya ang Kapuso actor, kaya nalamang si Benjamin ‘yun.

Ano’ng nangyari? Bakit naudlot ang pag-pursue ni Benjamin sa Kapuso actress? Goodbye Benjamin! Hello Julian! Ganoon ba?

By the way, birthday ni Kylie last January 25 at 23 years old na siya. Sinorpresa siya ng production team at co-stars niya sa “Buena Familia” na sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Jullie Anne San Jose at Sheryl Cruz sa taping ng kanilang afternoon prime series sa GMA7. May dalang birthday cake ang mga ito.

comments