Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis and Angel break na

Luis and Angel break na

angel foto copy copy

NAGMISTULANG fans ni Miss Universe 2015, Pia Alonzo Wurtzbach, ang hosts ng “It’s Showtime” nang mag-guest siya sa naturang noontime show ng ABS-CBN. Nag-group selfie sila on camera, bukod pa sa kani-kanilang solo selfies with Pia.

Nagsilbing escort ni Pia si Billy Crawford nang rumampa siya sa red carpet patungo sa studio. Binigyan talaga ng “moment” si Pia sa pagrampa niya habang hinaharana siya ni Michael Pangilinan na kumanta ng “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko.”

Naka-Miss Universe t-shirts na kulay blue ang hosts, pati ang audience. Lucky color kasi ’yun ni Pia. Simple lang ang suot niyang navy blue dress with matching Miss U crown.

Kabilang si Pia sa Star Circle Batch 11 at sino nga ba ang mag-aakalang after 40 years ay siya ang magiging ikatlong Pinay na Miss Universe? Homegrown talent si Pia ng Kapamilya Network, pero KSP (kulang sa pansin) siya noon. One of those lang siya sa mga programang sinamahan niya.

Hindi siya nabigyan ng lead role at pang-sahog lang siya. Ngayong beauty title holder na siya at Miss Universe pa na pinakabonggang title, nabago na ang pagtingin sa kanya ng madlang pipol. Sobrang level up na si Pia sa malaking karangalang naibigay niya sa Pilipinas.

Sakaling balikan niya ang pag-aartista after her reign, masusubukan kung magtatagumpay rin siya. Si Pia kasi ang tipong hindi agad-agad sumusuko sa laban. “Try and try until you succeed” ang kanyang motto.

Break na rin

Sad naman kung totoong break na sina Luis Manzano at Angel Locsin. Base sa mga lumabas na report, three weeks ago pa raw nag-break ang dalawa pagbalik nila mula sa kanilang US vacation.

So, noong presscon ng “Everything About Her” ay break na pala sina Luis at Angel? Walang kamalay-malay si Governor Vilma Santos-Recto dahil masaya pa siyang nagkuwento na kapag isinasama ni Luis si Angel sa bahay nila’y mga ordinaryong tao lamang sila. Nanay lang daw siya ni Luis.

Sabi pa ni Gov. Vi, nalungkot siya noong unang nag-break sina Luis at Angel. Natuwa siya noong nagkabalikan ang dalawa.

For sure, sad na naman ang nanay ni Luis sa balitang nag-break na naman sila for the second time ni Angel. And how true na si Luis diumano ang nakipag-break kay Angel? Diumano rin, masyadong personal ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Just curious, personal kayang nakipag-break si Luis kay Angel? O, dinaan niya sa text tulad ng ginawa niya kay Jennylyn Mercado? Ayon sa Kapuso actress, nawindang siya nang i-break siya ni Luis sa pamamagitan ng text.

Kasalan pa more

Kung may mga showbiz couple na nag-break, meron namang ikinasal at ikakasal. Ikinasal na sina Cristine Reyes at Ali Khatibi noong Miyerkules (Jan. 27) sa Balesin Island sa Quezon. Tomorrow night (Jan. 30) ang wedding naman nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Before the year ends, ikakasal naman sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa France. Itinanggi ni Solenn na nagpakasal sila sa Argentina. Aniya, celebration of union lang ang naganap. Pero sa Facebook account ni Nico, “Married to Solenn Marie Heussaff” ang post nito. Hindi kaya na-orient ni Solenn si Nico na huwag munang i-post ang totoong status nito sa Facebook?

Ano kaya ang dahilan at itinanggi ni Solenn na kasal na sila ni Nico? Nag-aalala kaya siyang baka maapektuhan ang dalawang pelikula niyang “#Lakbay2Love” at “Love is Blind”?

May green carpet premiere ang “#Lakbay2Love” sa Quezon Hall Amphitheater, UP Diliman, QC today at 5 p.m. Ano naman kaya ang isasagot ni Solenn kapag tinanong siya ng press sa post ni Nico sa Facebook account nito?

Si Dennis Trillo ang kapareha ni Solenn sa “#Lakbay2Love” na showing on Feb. 3. Sa Feb. 10 naman ang showing ng “Love is Blind” kung saan si Derek Ramsay ang kapareha ni Solenn.

Friends in love?

Kapuwa nag-deny sina Kylie Padilla at Julian Trono sa mga nakausap nilang entertainment writers na may ligawang nangyayari sa kanila. Friends lang daw sila at tsismis lang ang mga naglalabasang balita tungkol sa kanila. Owwwssss?

Kahit five years ang age gap nila, Kylie is 23, Julian is 18, swak daw sila bilang magkaibigan. They get along well.

Nagsimula ang friendship nila sa isang GMA afternoon series kung saan magkasama sila.

Nakilala na ni Kylie ang pamilya ni Julian na aniya’y itinuturing niyang second family. Gusto ring makilala ni Julian si Robin Padilla. Big fan daw siya ng papa Robin ni Kylie. If and when magmi-meet sina Robin at Julian, abang-abang na lang pag may time. Abang-abang din kung magle-level up ang friendship nina Kylie at Julian.

comments