Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vic sa banyo nag-propose ng kasal kay Pauleen

Vic sa banyo nag-propose ng kasal kay Pauleen

Pauleen-Vic copy

BIG Night ngayong Sabado nina Vic Sotto at Pauleen Luna na ikakasal na sa isang simbahan sa Ayala Alabang. Ayon kay Pauleen, si Vic ang pumili ng simbahan dahil parishioner ito roon.

Pink at taupe (may shades of gray) ang motif ng kanilang wedding at si Francis Libiran ang designer ng gown ni Pauleen. International food ang kanilang handa, pagbahagi ni Pauleen sa Vic-Pauleen pre-wedding special sa “Eat Bulaga.” Magkatulong sila ni Ruby Rodriguez sa pagpili ng mga pagkain.

Unique ang marriage proposal ni Vic kay Pauleen. Ayon sa huli, naganap ’yun sa banyo. Di nabanggit ng bride-to-be kung sa bahay ’yun ni Vic o sa bahay ng parents niya (Pauleen). Wherever! Ani Pauleen, nagulat siya nang may iabot na maliit na kahon si Vic.

Hindi raw nagsasalita si Vic, kaya tinanong niya ito kung ano ’yun? “Kailangan pa bang sabihin?” buwelta raw nito. Binuksan nito ang kahon na may lamang singsing sabay sabing, “Will you marry me?” Ibang klase talaga si bossing, noh? Imagine, sa banyo siya nag-propose ng kasal kay Pauleen.

Anyway, sa Maldives ang kanilang honeymoon at ayon kay Pauleen, nasa Indian Ocean ’yun na bahagi ng main Asia.

Mapapanood pa rin si Pauleen sa “Eat Bulaga.” Hindi na muna siya gagawa ng teleserye. Gusto niyang mag-focus sa pag-aalaga kay Vic bilang misis nito.

Tanong ng bayan, dadalo kaya sa kanilang kasal si Pia Guanio na ex-girlfriend ni Vic? Imbitado rin kaya ang mga nanay ng mga anak ni Vic na sina Dina Bonnevie (nanay nina Danica at Oyo), Coney Reyes (nanay ni Vico na best man ng kanyang daddy Vic) at Angela Luz (nanay ni Paulina)?

Boto ang mommy

May chance kaya si Atom Araullo kay Pia Alonzo Wurtzbach kung kakaririn niya ang panliligaw kay Miss Universe 2015?

Inamin ni Pia sa interbyu sa kanya ni Julius Babao sa “Bandila” na type niya si Atom. “He’s very charming,” sambit pa ni Pia na parang hiya-hiyaan pa siya.

They look good together. May nabuo na ngang TomPia o PiaTom fans na kilig-kiligan kina Pia at Atom. Hopia (hoping) sila na magle-level up ang panunukso o pambubuyo sa dalawa. ’Heard, botong-boto ang mommy ni Atom kay Pia. Why not?

Kapag nagkataon, si Pia ang Miss Universe ng buhay ni Atom.

Just curious, sino kaya ang lalaking nang-iwan at nag-break ng heart ni Pia? Bago siya nag-compete sa Miss Universe 2015 pageant, nabanggit niya sa isang interbyu sa kanya na meron siyang someone special. ’Yun daw ang feeling niya.

Na-insecure kaya ang guy na ’yun, kaya iniwan niya sa ere si Pia? Hindi kaya nagsisisi kung sinuman siya na sana’y meron siyang Miss Universe ng kanyang buhay ngayon? Na sana’y naging supportive siya kay Pia sa pag-compete nito sa Miss U pageant.

Itinanggi naman ni Pia na niligawan siya ni President PNoy. Never din silang nag-date.

Ang inamin ni Pia ay nag-date sila ng Azkals football player na si Phil Younghusband. Pero hindi niya ito naging boyfriend. ’Yun lang!

May pinagdaraanan

O, hayan, inamin na ni Luis Manzano na may pinagdaraanan sila ni Angel Locsin sa kanilang relasyon. Hindi niya diretsang inamin na break na sila. Maayos pa kaya nila kung anuman ang problema sa kanilang relasyon?

Tahimik lang si Angel at hinihintay ang kanyang pahayag. Ang tanong, maapektuhan kaya ang pagtatrabaho nila sa “Pilipinas Got Talent” kung saan isa sa mga judge si Angel? Host naman si Luis.

Hinihintay rin ang pahayag ni John Lloyd Cruz sa diumano’y break-up nila ni Angelica Panganiban. Kung may mga nanghihinayang sa hiwalayan nina Luis Manzano at Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, how true na diumano’y may mga natutuwa naman sa break-up nina John Lloyd at Angelica? May mga nagsasabing hindi naman daw deserve ni JLC si Angelica. May gano’n?

Asa pa

Umaasa si Jake Vargas na hindi siya pababayaan ng GMA Network ngayong wala na siyang manager. Ang yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno ang tumayong manager ni Jake .

Ayaw kumuha ni Jake ng bagong manager at ipinauubaya na lang niya sa GMA kung anuman ang plano para sa kanyang career. Sobrang nami-miss ni Jake ang kanyang manager cum tatay-tatayan na parating nakatutok sa kanyang career noong nabubuhay pa ito.

Hindi makakalimutan ni Jake ang mga pangaral sa kanya noon ni Kuya Germs na mahalin niya ang kanyang trabaho at parating maging professional. Huwag lalaki ang kanyang ulo at huwag kalilimutan ang utang na loob sa mga taong nakatulong at nakakatulong sa kanya.

Ang tanong, maging loyal din kaya si Jake sa Kapuso Network gaya ni Kuya Germs?

comments