Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Edu and Vi ayaw makialam sa gusot nina Luis at Angel

Edu and Vi ayaw makialam sa gusot nina Luis at Angel

22vilma and angel 1“Everything About Her” copy

GOING strong pa rin ang relasyon nina Kiko Estrada at Kim Rodriguez. Ayon kay Kiko, kahit magkahiwalay sila ng show ni Kim sa GMA7, tuloy pa rin ang pagkikita nila. May oras sila para sa isa’t isa. They go out on dates. Nagdi-dinner sila sa paborito nilang restaurants.

Nasa cast ng “That’s My Amboy” si Kiko where he plays Patrick Almeda, ang rising star na makakalaban ni Bryan Ford (Andre Paras) na isang sikat na aktor. Si Kim naman ay tampok sa upcoming GMA teleserye, “Hanggang Makita Kang Muli” topbilled by Bea Binene and Derrick Monasterio. It also stars Raymart Santiago, Angelika dela Cruz, Rita Avila, Inah Feleo, Ramon Christopher, Luz Valdez, Jak Roberto, and Marco Alcaraz. Si Laurice Guillen ang direktor.

Since malapit na ang Valentine’s Day, ani Kiko, may sorpresa siya kay Kim. Sentimental daw ang dalaga, kaya something na makakapagpa-“senti” sa love of his life ang sorpresa niya. Ang pagiging malambing ni Kim ang nagustuhan niya, ayon kay Kiko.

Masaya ba naman siya sa tinatakbo ng kanyang career?

“Masaya naman ako sa GMA. Kuntento naman ako. But I want more. I wanna be a good actor. Gusto kong ipakita sa mga tao na kaya ko,” saad ni Kiko.

No comment

As expected, tahimik lang at no comment ang mommy ni Luis Manzano na si Governor Vilma Santos-Recto sa breakup nito at ni Angel Locsin. Ang press release ng dalawa’y may pinagdaraanan sila sa kanilang relasyon at sinisikap nilang ayusin ’yun. Kung may nalalaman man si Gov. Vi, ayaw niyang makialam sa kung anu man ang pinagdaraanan nina Luis at Angel sa kanilang relasyon.

Ganoon din ang daddy ni Luis na si Edu Manzano. Hinahayaan niyang sina Luis at Angel ang mag-ayos ng gusot sa kanilangrelasyon. Nagulat lang si Edu dahil kasama pa nilang mag-aama (Edu and children Luis, Enzo and Adi) si Angel sa trip nila weeks before Christmas last year. Nag-post pa si Angel sa kanyang social media account ng group picture nila.

Suko na sana

Daily na simula kahapon ang “Wowowin” na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-“24 Oras.”

Alam n’yo bang muntik nang hindi ito matuloy?

Ayaw na sana ni Willie Revillame at gusto na niyang sumuko dahil since nagumpisa ang WWW sa GMA7 na once a week ay sobrang matindi ang production budget. Parati nalangg siya nag-aabono at malaki na ang nalulugi sa kanya bilang producer ng show.

Ayaw naman ng Kapuso Network na tuluyang mawala ang WWW, kaya inalok nila ng panibagong kontrata si Willie.

Kamakailan lang ay nag-contract-signing para maging daily show na ang WWW. Sobrang thankful si Willie sa suporta ng GMA, kaya tuluy-tuloy na ang pagbibigay niya ng kasiyahan at pag-asa sa mga taong nangangailangan.

Extended

Happy at sobrang thankful din ang cast ng “Destiny Rose” na extended ang nasabing GMA afternoon series. Ayon sa lead star na si Ken Chan, mas masa-satisfy ang televiewers dahil mas maipapakita nila ang napakakulay na buhay ng transwoman.

Aniya, mas lalo silang ginanahang pagbutihin pa ang kanilang serye dahil sa mainit na pagtanggap ng kanilang mga tagasubaybay.

comments