Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Elmo at Janine nagkakalabuan na

Elmo at Janine nagkakalabuan na

elmo-janine copy copy

NAGKATOTOO ang sinabi ni Janine Gutierrez sa huling interbyu namin sa kanya na inaasahan na niyang gagawan ng isyu sina Elmo Magalona at Janella Salvador. Nasa ABS-CBN na si Elmo at may ginagawa siyang teleserye with Janella. May tsika ngayon na diumano’y break na sina Elmo at Janine. Diumano pa ri’y nagkakamabutihan na sina Elmo at Janella.

What else is new? Pang-promo ba ito ng upcoming teleserye nina Elmo at Janella? Sabi pa noon ni Janine, hindi siya nati-threaten sa pagtatambal nina Elmo at Janella. Supportive siya sa career ni Elmo dahil gusto niyang maging successful ang kanyang boyfriend.

Sabi pa ni Janine, kapag may lumabas na isyu, maniniwala lang sila sa sasabihin ng isa’t isa at hindi sa ibang tao.

Tingnan natin kung paano iha-handle nina Elmo at Janine ang lumalabas na tsikang diumano’y nagkakalabuan (o break na?) ang kanilang relasyon.

comments