Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Drew and Iya gusto nang magkaanak

Drew and Iya gusto nang magkaanak

MAY bagong isyu na naman kay Alden Richards. Diumano’y wala siyang utang na loob sa taong tumulong sa kanya noon.

Usap-usapan sa umpukan ng showbiz writers ang pagki-claim ng isang tao na siya raw ang unang manager ni Alden.

Nag-e-emote ito na hindi na raw siya pinapansin ngayon ni Alden. Binlock na raw ni Alden sa kanyang Facebook account ang taong ito.

Ayon pa sa kuwento, diumano’y ang taong ito ang nagdala kay Alden sa GMA7 noong nagpa-audition ang network para sa afternoon series na “Alakdana” na pinagbidahan ni Louise de los Reyes. Sa taping ng naturang serye una naming nainterbyu si Alden.

Ayon naman sa ilang showbiz writers, ibang tao ang totoong discoverer ni Alden na tumayo ring manager ng Kapuso actor. Ito raw ang nagdala kay Alden sa GMA noong sumali ang huli sa “Starstruck 5.” Unfortunately, hindi nakapasok si Alden sa Final 14. Pero kinuha pa rin siyang talent ng GMA Artist Center.

Noong una’y may gender issue kay Alden. Ngayon nama’y, wala raw siyang utang na loob. Ano kaya ang susunod na ibabatong isyu sa Pambansang Bae? Ganyan talaga, gagawa at gagawa ng isyu ang kanyang detractors para pabagsakin si Alden. Hindi puwedeng kuwestiyunin ang tinatamasang kasikatan niya ngayon, kaya hindi mawawala ang inggit ng ibang tao.

Tanggapin man o hindi, si Alden ang maituturing na Hari ng Komersiyal sa rami ng kanyang product endorsements.

Gusto nang magka-baby

Sa Sofitel nag-celebrate sina Drew Arellano at Iya Villania ng second wedding anniversary nila. Paborito kasing kainin doon ni Iya ang freshly baked croissants.

Nasa agenda ng mag-asawa ang magka-baby na this year. Hinala tuloy ng malalapit nilang mga kaibigan, hindi raw kaya naglilihi na si Iya? Wait nalang tayo sa official announcement ng Arellano couple.

Samantala, si Iya ang host ng “Lip Sync Battle Philippines” with Michael V. Nagsimula na ang taping nito at ilan sa mga Kapuso star ang sasabak sa pagalingan sa pagli-lip sync. Si Rico Gutierrez ang director ng bagong show na ito ng GMA na mapapanood simula Feb. 27.

Artistahin

Gwaping at artistahin ang 15-year-old son ni Jericho Rosales na si Santino. Anak niya ito sa non-showbiz girl na si Kai Palomares.

Lumabas ang picture ng mag-ama sa isang magazine at halos iisa ang komento ng mga nakakita kay Santino.

Pwedeng-pwede raw itong mag-artista.

Matangkad ang bagets, six footer. Kaya lang, mukhang hindi interesado si Santino sa showbiz. Soccer player siya sa Colegio de San Agustin. Wala pa raw girlfriend si Santino.

Kabilang dati si Jericho sa grupo ng Hunks kung saan kasama niya sina Diether Ocampo, Piolo Pascual, Bernard Palanca at Carlos Agassi. Except for Carlos, mga tatay na sina Jericho, Piolo, Bernard at Diether.

May anak na lalaki si Diether sa isang non-showbiz girl. Dalawa naman ang anak ni Bernard. Isang lalaki sa ex-wife niyang si Meryll Soriano at isang babae kay Jerika Ejercito, anak nina Mayor Joseph Estrada at former actress Laarni Enriquez. Piolo naman has Iñigo (18 years old) na nag-aartista na rin.

Presidential debate

Kaabang-abang ang unang presidential debate ng Comelec ngayong Eleksiyon 2016. Live itong mapapanood sa Feb. 21 sa GMA7 mula sa Cagayan de Oro.

Mindanao kasi ang na-assign sa Kapuso Network, kaya Cagayan de Oro ang venue. Moderators sina Mike Enriquez at Jessica Soho.

comments