Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Solenn, payag sa kasalang Erwan-Anne

Solenn, payag sa kasalang Erwan-Anne

5Solenn Heussaff copy copy

KUNG dati’y sinasabi ni Solenn Heussaff na ayaw pa niyang magpakasal ang younger brother niyang si Erwan kay Anne Curtis, sa guesting ni Solenn sa “Tonight with Boy Abunda,” mabilis na “Yes!” ngayon ang sagot niya nang tanungin siya ni Boy kung dapat na bang mag-propose si Erwan ng kasal kay Anne.

Eh, si Erwan, handa na kaya siyang mag-propose kay Anne? Sa isang interbyu kay Anne, sinabi niyang three years or so pa gusto niyang magpakasal. She’s turning 31 (32?) on Feb. 17. By then, 34 or 35 na si Anne. A few years older siya kay Erwan.

Solenn is getting married this year sa fiance niyang si Nico Bolzico. Sa France ang kasal nila. Unang nai-report na ikinasal na sila sa Argentina in December 2015. Pero itinanggi ’yun ni Solenn. Aniya, celebration of union lang ang naganap. “No walking down the aisle,” she said.

Samantala, showing na ang “Love is Blind” on Feb. 10 kung saan kasama ni Solenn sina Derek Ramsay, Kean Cipriano at Kiray Celis. Pre-Valentine offering ito ng Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

comments