Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Maine first to ride in Alden’s new car

Maine first to ride in Alden’s new car

alden richards

‘KAALIW ang teaser ng “Dear Uge” na ipinakita sa presscon nito. First-ever comedy anthology ito ng GMA7 na mapapanood simula sa Feb. 14 pagkatapos ng “Sunday Pinasaya.”

Hosted ito by Eugene Domingo. Aniya’y agad n’yang nagustuhan ang concept nang i-present ito sa kanya ng Kapuso Network. Na-thrill siya dahil, aniya’y one of a kind, amusing at magbibigay ito ng kilig sa televiewers.

“I believe, it’s pioneering, this type of TV show. This time, mas light ang topic at ipapakita ang funny side ng love. I think, eto na talaga ’yung pinakamasarap panoorin lalo na pag weekends, rest day ng mga tao. Perfect after “Sunday Pinasaya,” tuluy-tuloy ang katatawanan sa GMA,” pahayag ni Eugene.

Sa “Dear Uge,” siya si Urbana Genoveva Esperanza, owner ng isang sari-sari store na host ng isang web show, “Dear Uge.” “Habang may binabasa akong sulat, lumalabas din ako sa kuwento. Every week, iba’t iba ang role ko. Ito ’yung unang nagustuhan ko sa concept. Every episode, iba’t iba ang karakter ko. I’ll be able to act with different Kapuso actors, different directors. Na-miss ko ang akting, kaya I’m very excited sa bago kong show,” wika ni Eugene.

Starstruck

Isang theater actress mula sa PETA ang sidekick ni Eugene Domingo sa “Dear Uge.” Siya si Divine Grace Aucina na gaganap bilang Devine.

Mass Communications graduate si Divine sa FEU (Far Eastern University) at naging school mate niya si Ai-Ai de las Alas. Parehas silang dating miyembro ng FEU Theater Guild.

Nakagawa na si Divine ng indie films para sa Cinemalaya. Nakalabas din siya sa “My Bebe Love” na entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Nakapag-guest na rin si Divine sa ilang GMA shows.

Aniya, middle of last year siya nag-audition para sa “Dear Uge.” Akala raw niya’y hindi siya nakapasa, kaya nagulat siya nang tawagan siya at ipinaalam na siya ang magiging sidekick ni Eugene.

“Overwhelmed ako,” ani Divine. “Na-starstruck ako kay ate Uge noong taping namin. Ang bait-bait niya at gina-guide niya ako.”

Big break ever ni Divine ang makasama siya sa “Dear Uge,” kaya sobrang thankful siya sa GMA sa tiwala at pagkakataong ibinigay sa kanya. “Sana, matanggap ako ng televiewers. I’ll do my best,” she said.

May bagong sasakyan

Nakuha na ni Alden Richards ang nabili niyang brand new car sa Hyundai Paranaque. Isang black Grand Starex ito na ginamit niya noong nag-report siya sa “Eat Bulaga” last Thursday (Feb. 4).

Feeling namin, si Maine Mendoza ang unang girl na isinakay ni Alden. Nakunan ng kamera ang pagbaba ni Alden sa kanyang sasakyan at nang buksan niya ang pinto, si Maine ang bumaba. For “show” kaya lang ’yun? Whatever!

Saktong weeksary pa naman nina Alden at Maine. Kilig pa more ang AlDub fans sa palitan nina Alden at Maine ng hugot o pick-up lines. Ninakawan pa ng halik ni Alden si Maine sa pisngi.

Bukod sa brand new car, malapit na ring matapos ang ipinapagawang bahay ni Alden somewhere in Laguna. Hopefully, makakalipat na siya with his family next month. Sa rami ba naman ng product endorsements ni Alden, bukod pa sa ibang racket (shows here and abroad), hindi kataka-takang nakapag pundar ang Pambansang Bae ng bagong sasakyan at nakapagpagawa ng bagong bahay. Balak din ni Alden magpatayo ng apartments sa Sta. Rosa, Laguna bilang investment.

Career move?

Kung sinabi ni Angel Locsin na may pinagdaraanan ang relasyon nila ni Luis Manzano, wala ring diretsang pag-amin si Lovi Poe tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Rocco Nacino.

Ani Lovi sa mga nakausap na entertainment writers, kung anuman ang nangyayari between her and Rocco, gusto niyang maging private na lang ’yun.

Late last year ay natsikang diumano’y nag-break sina Lovi at Rocco. Pero walang confirmation, walang denial mula sa dalawa.

May tsika namang diumano’y hindi totoong break sina Lovi at Rocco. How true na diumano’y career move na palabasing kunwari’y break na sila? Hindi raw kasi sila ang magkapartner sa susunod nilang GMA series.

comments