Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Eugene tikom ang bibig sa Jose Manalo issue

Eugene tikom ang bibig sa Jose Manalo issue

EUGENE Domingo

WALANG nakuhang paliwanag mula kay Eugene Domingo ang entertainment writers tungkol sa diumano’y isyu sa kanila ni Jose Manalo. Nawala si Jose sa “Celebrity Bluff” at ayon sa tsika, diumano’y nag-away sila ni Eugene.

Hindi rin nabigyan-linaw ni Eugene ang tsika kung totoo bang nadebelop siya kay Jose. ’Kaaliw at kilig-kiligan ang televiewers sa sweet-sweetan at palitan nila ng mga salita noong nasa CB pa si Jose.

Sa presscon ng “Dear Uge,” iniwasan ni Eugene pag-usapan kung anuman ang naging isyu sa kanila ni Jose. No talk, no intrigue nga naman. Pati ang pagkawala ni Brod Pit sa “Celebrity Bluff,” no talk din si Eugene. Aniya, positive nalang para happy lang. Oo nga naman.

Anyway, happy at excited si Eugene na balik-akting sa “Dear Uge.” Two or three years siyang hindi tumanggap ng acting project. Na-burn out daw siya sa sunud-sunod na paggawa niya ng indie films. Huling pelikula niya’y “Barber’s Tale” noong 2014.

Hindi ito kumita sa takilya, kaya na-frustrate si Eugene. Dahilan din ’yun kaya nawalan siya ng ganang gumawa ng pelikula.

This time, nabalik ang passion niya sa pag-arte, ayon kay Eugene. This year, gagawa siya ng isa o dalawang pelikula.

Gagawin niya ang sequel ng “Ang Babae sa Septic Tank” na ginawa niya in 2011.

Sa “Dear Uge,” bukod sa siya ang host, aarte rin si Uge.

Comedy anthology ito na mapapanood simula sa Feb. 14 sa GMA7 pagkatapos ng “Sunday Pinasaya.”

Honeymooners

Husby ang tawag ni Pauleen Luna sa husband niyang si Vic Sotto. Sa Maldives ang honeymoon ng mag-asawa na talaga namang sinusulit ang kanilang bakasyon.

Umaasa at nagdarasal ang mga taong nagmamahal kina Vic at Pauleen na mabiyayaan agad sila ng anak. Kapag nagkataon, made in Maldives ang magiging baby nila. Sa interbyu kay Pauleen after ng wedding nila ni Vic, sinabi niyang gusto niyang mabuntis agad.

Ilang araw lang sila sa Maldives at balik-trabaho sila sa “Eat Bulaga.” Sa naturang noontime show lang muna at kay Vic ang focus ni Pauleen. Gusto niyang magpaka-wifey sa kanyang husby.

Aasikasuhin din ni Pauleen ang pag-aayos sa bahay nila ni Vic sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna. Hopefully soon ay makakalipat na sila roon.

Seryoso kaya?

Hindi kaya paaasahin lang ni Kris Bernal si Renz Fernandez?

Kilig-kiligan si Kris sa atensiyong ibinibigay sa kanya ni Renz.

Bukod sa mga pagkain, nagpapadala rin ng flowers si Renz kay Kris.

Mukhang kinakarir ni Renz ang panliligaw sa dalaga. Seryoso kaya ang binata sa intensiyon niya kay Kris? May press release pa si Renz na gusto na niyang ipakilala sa kanyang mommy Lorna Tolentino si Kris. Botong-boto raw si Ms. LT kay Kris.

Hindi kaya matulad si Renz kay Lucho Ayala? For a while, naging “item” sina Kris at Lucho. Then, nabalita nalang na pinahinto ni Kris si Lucho sa panliligaw sa kanya. Career daw kasi ang focus niya, ayon kay Kris.

Abang-abang nalang kung hanggang kailan ang panliligaw ni Renz kay Kris. That is, kung totoo ngang nanliligaw siya.

Hindi kaya dahil magkasama lang sila sa isang primetime series ng GMA?

Pre-selling

Simula ngayong Linggo ang pre-selling sa iTunes ng “One Heart” album na binuo ng ilang GMA Artist Center stars.

Hanggang Feb. 13 ito at ang bahagi ng kikitain ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation.

Layunin ng album na i-promote ang pagmamahal, pag-asa at pagtutulungan ngayong buwan ng pagmamahalan. Iba’t ibang genre ang mga awiting nakapaloob sa album: R&B, pop, ballad na mga OPM (Original Pilipino Music).

comments