Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rufa Mae finally engaged

Rufa Mae finally engaged

rp_RUFA-Mae-Quinto.jpg

FINALLY, engaged na si Rufa Mae Quinto. Isang half-Filipino, half-Chinese ang kanyang fiance’. Naganap ang engagement party sa San Francisco, USA kamakailan na nasaksihan ng pamilya ng fiance ni Rufa at ilang kamag-anak roon ng comedienne.

Next week ang balik ni Rufa sa Pilipinas at next month susunod ang kanyang fiance para makilala naman ang pamilya ni Rufa.

Wala pang detalye kung kailan ang kasal ni Rufa pero ayon sa isang taong malapit sa kanya, dalawang wedding ang magaganap. Isa sa US at isa sa Pilipinas.

Ilang beses nang nabalitang magpapakasal si Rufa. Pero parating nauudlot. Hopefully this time, natagpuan na niya talaga ang kanyang forever at “the one” for her. She deserves to be happy. Besides, nasa marrying age na si Rufa.

Nasa mid or late 30’s na siya. It’s about time na bumuo na siya ng sariling pamilya.

comments