Home » News » Local » Babae nahulog sa Star City

Babae nahulog sa Star City

Isang 31-year-old call center agent ang nahulog sa isang amusement park ride sa Star City sa Pasay City noong Biyernes.

Kinilala ni Senior Insp. Allan Estrada, hepe ng Pasay Cultural Center of the Philippines Police Community Precinct, ang biktima na si Cecilia Cifra ng P. Basilio St., Pasay. Nakasakay si Cifra kasama ng kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ng siya ay biglang mahulog habang gumagalaw ang “Surf Dance.” Nabali ang kanang binti ni Cifra at nagtamo ng gasgas. Dinala ang biktima sa isang ospital sa Pasay kung saan siya ay nagpapagaling.

Naging viral ang aksidente ng ito ay makunan ng isang lalakeng nagngangalang Kenneth Paolo Mendoza at inupload sa Facebook. (Martin A. Sadongdong)

comments