Home » News » Local » Lalake, tumalon sa tower

Lalake, tumalon sa tower

Isang lalake ang namatay ng ito ay tumalon sa isang tower ng National Power Corp. sa Quezon City noong Sabado.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Jayson Gabriel Sto. Domingo ng Barangay Sangang Daan. Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo ng QCPD-CIDU, inakyat ng biktima ang kaniyang bahay at iba pang kabahayan hanggang makarating ito sa tuktok ng tower.

Hinikayat ang biktima na bumaba ng mga otoridad pero ito ay tumalon at bumagsak sa ilalim ng tower. Dinala ang biktima na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan sa ospital kung saan siya binawian ng buhay. (Francis T. Wakefield)

comments