Home » News » Local » Pinatay habang naglalakad

Pinatay habang naglalakad

Isang 25 taong gulang na lalake ang pinatay habang naglalakad kasama ng kanyang mga kaibigan sa Caloocan City noong Sabado. Kinilala ni PO1 Aldrin Matthew ng Caloocan Police Community Precinct 1ang biktima na si Feliciano Mangila.

Ayon sa imbestigasyon ni Matthew, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ng madaling araw sa Moises St., Barangay 150, Bagong Barrio ng biglang lumapit ang isang lalake at agad siyang pinaputukan. Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib. Ang biktima na dinala sa Manila Central University Hospital sa Caloocan. Si Mangila ay namatay habang ginagamot. (Ed Mahilum)

comments