Home » News » Local » Reklamo iniimbestigahan

Reklamo iniimbestigahan

Iniimbestigahan na ng Department of Foreign Affairs ang reklamo ni TV host at actor Vice Ganda na pagpapalabas umano ng isang pirated movie sa kanilang passport satellite office sa Ali Mall sa Quezon City kamakailan.

“The Department of Foreign Affairs has never authorized any showing of pirated movies in any of its passport satellite offices in Metro Manila,” ayon sa DFA. Nangako ang DFA na paparusahan nito ang sinumang kawani nito na nagpalabas ng pelikulang “A Second Chance” na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz. (Roy C. Mabasa)

comments