Home » News » Local » Wanted nadakip sa QC

Wanted nadakip sa QC

Nadakip ng mga pulis ang No. 3 most wanted person ng Daraga, Albay sa isang operation sa Quezon City kamakailan.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang suspect na si Rebecca Rodulfo, 60, may trabaho at nakatira sa Lagro Subdivision, Lagro, Quezon City.

Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng QCPD-CIDU, si Rodulfo ay hinuli sa Bell Mansion sa Barangay Pagasa noong Biyernes dahil sa mga kasong large-scale illegal recruitment, estafa, at swindling. (Francis T. Wakefield)

comments