Home » News » Local » Donnalyn’s career taking off

Donnalyn’s career taking off

VERY thankful ang Viva star at Social Media Sweetheart na si Donnalyn Bartolome dahil sa magandang takbo ng kanyang career after siyang ma-discover sa YouTube.

Kuwento ng petite 21-year-old na ilang beses na siyang nag-audition sa mga TV network pero walang nangyayari.

“I was using my real name Donnalyn Mulawin when I tried auditioning pa before.

Pero walang nangyayari kaya tumigil na ako. Kaya nag-post na lang ako ng isang video sa YouTube habang kumakanta ako.

“Doon ako na-discover ng mga taga-Viva. Pinahanap nila ako and they immediately signed me up as one of their artists,” kuwento pa ni Donnalyn.

Naka-base sa Japan ang pamilya ni Donnalyn dahil nagtatrabaho sa US Navy ang kanyang ama. Kaya noong maging artista siya sa Pilipinas, kinailangan niyang tumira rito sa bansa at malayo pansamantala sa kanyang pamilya.

“Kaya I try to visit them as much as I can. Kapag hindi po ako busy rito sa Pilipinas, lilipad muna ako to Japan to be with them,” ngiti pa ni Donnalyn.

Kasama si Donnalyn sa rom-com film na “Girlfriend for Hire” kung saan gumanap siyang pinsan ni Yassi Pressman.

Nakasama na siya sa mga pelikulang “Talk Back and You’re Dead” at “Your Place or Mine.”

Samantalang bida naman si Donnalyn sa unang handog ng “WattPad Presents TV Movie” na magsisimula na sa Feb. 6. Ito ay ang “Avah Maldita” at kasama niya rito sina Ella Cruz at Akihiro Blanco.

Bini-build up din si Donnalyn bilang singer at ginagawa na niya ang kanyang second album under Viva Records.
(RUEL J. MENDOZA)

comments