Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Isabelle Daza engaged to long-time French BF

Isabelle Daza engaged to long-time French BF

ISABELLE Daza with Adrien SemblatDIMPLES

ENGAGED na rin si Isabelle Daza sa long-time French boyfriend niyang si Adrien Semblat. Six years na silang together. Country manager ng Adidas Philippines ang fiance ni Isabelle.

Magkaibigan sina Isabelle at Solenn Heussaff na ikakasal sa France this year sa long-time boyfriend niyang si Nico Bolzico na isa namang Argentinian. Itinanggi ni Solenn na nagpakasal na sila sa Argentina December of last year. Ang pakiyeme niya, celebration of union lang daw ang naganap.

Pero ibinuko ni Isabelle na nagpakasal na sina Solenn at Nico. Nag-post pa siya sa kanyang social media account ng picture ng dalawa na may caption na: Mr. & Mrs. Nico Bolzico.

Nang itanggi ni Solenn ang kasal nila at sinabing “luka-luka” raw si Isabelle, ang palusot ng huli ay nag-joke lang siya sa ipinost niya.

Kaibigan din nila si Anne Curtis na girlfriend naman ni Erwan Heussaff na younger brother ni Solenn. Kailan naman kaya sila magiging engaged couple? Take note na mga foreigner ang respective partners nina Solenn, Isabelle at Anne.

Friend din nila si Georgina Wilson na ewan kung “sila” pa rin ni Borgy Manotoc. O, hindi kaya foreigner din ang kanyang boyfie?

comments