Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chiz-Heart renewal of vows di na tuloy

Chiz-Heart renewal of vows di na tuloy

Heart Evangelista and Chiz Escudero (Photo from her Instagram account)

AVID supporter ni Senator Grace Poe si Nora Aunor. Aniya’y kapag hindi natuloy ang kandidatura nito bilang presidente, magra-rally siya kahit mag-isa lang siya.

Sobrang bilib ang superstar kay Sen. Grace sa kakayahan nito at may karapatan daw itong mamuno ng ating bansa. Hindi pa man nagdedeklara ng kanyang kandidatura si Sen. Grace bilang presidente ay very vocal na noon si La Aunor na susuportahan niya ang anak ni Susan Roces at ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr.

Ayon pa sa superstar, handa siyang sumama sa campaign sorties ni Sen. Grace.

Kung vocal si La Aunor sa kanyang suporta kay Sen. Grace sa presidential bid nito, wala naman siyang nababanggit kung sino sa vice-presidentiables ang kanyang susuportahan. Tatlo sa mga ito’y kababayan niya sa Bicol, sina Senator Chiz Escudero, Senator Gringo Honasan at Leni Robredo.

Di na tuloy

Hindi na tuloy ang renewal of vows nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista. First wedding anniversary nila on Feb. 15 at dapat sana’y may renewal of vows sila para sa parents ni Heart na hindi nakadalo sa kasal nila last year sa Balesin, Quezon.

Anang mag-asawa, iniwasan lang nilang maintriga kung itutuloy nila ang renewal of vows. Baka nga naman may kung ano’ng lumabas na isyu na may halong pulitika.

Birthday ni Heart on Feb. 14 at siguro naman, kahit simple celebration lang ay magkakaroon sila ng kanyang hubby.

Valentine’s Day din ’yun, kaya bale double celebration na rin. Isabay na rin kaya nila ang kanilang wedding anniversary? So, triple celebration na.

First time

Exciting ang pagsasama for the first time nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa Star Cinema. Bagong kumbinasyon ang mapapanood. Si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng yet untitled movie na gagawin nina John Lloyd at Jennylyn.

Summer offering ito ng Star Cinema. Nauna nang nakapareha ni Jennylyn ang Kapamilya actor na si Sam Milby sa “The Prenup”. Sumunod si Jericho Rosales sa “Walang Forever,” entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Tinanghal na best actor si Jericho sa naturang movie.

Sa bagong movie ni Jennylyn, isa na namang Kapamilya actor ang kanyang kapareha, si John Lloyd. Nalilinya ba ang Kapuso actress sa Kapamilya actors? Next in line na kaya si Piolo Pascual?

Love month

Love month ngayon at Valentine’s Day na sa Feb. 14. Pero heart-broken ang ilan sa ating showbiz personalities. Si Angel Locsin na diumano’y hiniwalayan ni Luis Manzano. Si Angelica Panganiban na diumano’y iniwan ni John Lloyd Cruz at ipinalit si Bea Alonzo.

Loveless diumano si Lovi Poe dahil wala na sila ni Rocco Nacino. Pero may mga nagsasabing hindi naman totoong nag-break sila. Loveless din daw sina Maja Salvador, Shaina Magdayao at Gerald Anderson.

Happy hearts naman sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Billy Crawford at Coleen Garcia, Iza Calzado at Ben Whintle, Carla Abellana at Tom Rodriguez, Paolo Contis at LJ Reyes, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Elmo Magalona at Janine Gutierrez, Kiko Estrada at Kim Rodriguez, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Coco Martin at Julia Montes (bagaman wala pang pag-amin mula sa dalawa), Enrique Gil at Liza Soberano (wala ring pag-amin), Xian Lim at Kim Chiu (kung “sila” na nga dahil wala ring pag-amin), Mikael Daez at Megan Young (na ayaw pa ring umamin).

comments