Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Meg says she suffered depression

Meg says she suffered depression

10Meg Imperial1 copy copy

INAMIN ng Viva sexy actress na si Meg Imperial na dumaan siya sa matinding depression nang hindi siya mabigyan ng follow-up project sa ABS-CBN 2 noong magtapos ang teleseryeng “Moon of Desire.”

Ang pag-gain ng weight ni Meg ang naging dahilan kung bakit hindi siya nabigyan ng kasunod na TV show.

“That time kasi, my lolo passed away. Very close ako sa lolo ko. Lolo’s girl ako. Kaya sobra akong nalungkot noong mawala siya.

“Tapos sumabay pa ang ibang problema sa family. Mostly financial, kasi ako ang breadwinner ng family. Kaya sobra akong na-stress, physically and mentally. Kapag ganyan, hindi ko na naiisip na kailangan sexy ako. Kain lang ako nang kain. Kaya ayun, tumaba talaga ako.

“Nag-sorry talaga ako sa mga taong nagtiwala sa akin. Nangako akong aalagaan ko na ang sarili ko.

“I would like to thank Boss Vic (del Rosario) kasi hindi siya nawalan ng tiwala sa akin. He gave me a chance na ayusin ang sarili ko. Tinupad niya ang promise niyang isasama niya ako sa mga bagong show ng TV5 ngayong 2016,” ngiti pa ni Meg.

Sa ilang buwan na pag-exercise at diet ni Meg, malaki na ang nawala sa timbang niya kaya naman nakapag-tape na siya para sa teleserye ng TV5 na “Bakit Manipis ang Ulap?”

Nagpursige si Meg sa pagpapapayat dahil siya rin ang kasalukuyang White Castle Girl.

“Sa awa ng Diyos, ’yung mga nabawas na sa katawan ko ay hindi na bumalik,” tawa pa niya.

“Mine-maintain ko na lang ang diet at pagpunta sa gym. Ang hirap mag-lose ng weight pero sobrang tiyaga ko lang talaga.

“Ayoko naman kasing mawalan ng trabaho kaya push lang nang push.”

May gagawin ding episode for “WattPad Presents TV Movie” si Meg. Ito ay may title na “My Cassanova Husband.”
(RUEL J. MENDOZA)

comments