Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bakit nawala si Jose?

Bakit nawala si Jose?

EUGENE Domingo

Kahit parehong umiiwas magsalita sina Eugene Domingo at Jose Manalo tungkol sa totoong dahilan kung bakit nawala si Jose sa “Celebrity Bluff,” may nakausap kaming reliable source na may inside information hinggil sa nangyari.

Ayon sa source, hindi diumano nagustuhan ni Eugene ang sinabi ni Jose sa isang episode ng kalyeserye sa “Eat Bulaga.” Diumano’y na-offend si Eugene sa patutsada ni Jose tungkol sa kanya.

Nagkataon daw, ayon pa rin sa source, na nanonood that time si Eugene. Bale ba, first time nanood ni Eugene ng naturang noontime show.

Isinumbong daw ni Eugene sa management ng GMA ang ginawa ni Jose. Nag-apologize naman daw si Jose. Nagkaayos naman daw sila ni Eugene at napanood pa rin sa ilang episodes ng CB si Jose.

On camera, hindi halatang nagkaroon sila ng away. But off-camera, deadmahan daw sina Eugene at Jose, ayon sa source.

Eventually, nawala na sa CB si Jose. Hindi lang nilinaw ng source kung inalis o kusang umalis si Jose. Whatever!

Last two episodes na lang ang CB at babu na ito sa ere. Babalik din daw ito after two months. Kung babalik din si Jose, wait and see na lang.

In any case, may bago nang show naman si Eugene sa GMA7, ang “Dear Uge” na mapapanood simula Feb. 14 pagkatapos ng “Sunday Pinasaya.” Comedy anthology ang DU na sina Tom Rodriguez at Cacai Bautista ang guests sa pilot episode.

Bukod sa hosting, muling aakting si Eugene sa “Dear Uge.”

Balik-bisyo?

Kalalabas lang ni Jiro Manio mula sa isang facility center na inakala ng marami na magaling na siya. Nangako pa siya on national TV na hindi na niya babalikan ang dating bisyo. Iiwasan na raw niya ang mga dating kabarkada na naging bad influence sa kanya.

Pero gaano katotoo ang balitang diumano’y bumabalik na naman si Jiro sa masamang bisyo? Diumano pa rin, binabalikan na naman niya ang mga dating kabarkada na nagtulak sa kanya sa paggamit ng prohibited drugs.

Nakakalungkot at nakakapang-hinayang naman kung hindi mapa-panindigan ni Jiro ang ipinangako niya kay Ai-Ai delas Alas na siyang tumulong sa kanya para maipasok siya sa rehab center hanggang nakalabas siya.

Si direk Maryo J. delos Reyes na mentor cum tatay-tatayan ni Jiro ay sumuko na sa pag-asang magbabago pa si Jiro.

Ilang beses ding tinulungan ni direk Maryo si Jiro para mapa-rehab.

Subalit nawalang saysay ang lahat ng pagtulong ni direk Maryo. Bumalik din si Jiro sa masamang bisyo.

Si Ai-Ai kaya, tulong pa more kay Jiro? Hindi kaya magsawa rin siya at sumuko rin tulad ni direk Maryo? Sino pa ang magmamalasakit kay Jiro kung binabale-wala naman niya ang ginagawa ng mga taong tumutulong sa kanya?

Bibinyagan na

Kung super bongga ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong Dec. 30, 2014, super intimate naman ang gaganaping binyag ng anak nilang si Baby Letizia.

This month ang binyag ng bagets pero ayaw pang ipaalam ng Dantes couple ang eksaktong petsa, oras at kung saan.

Hindi kaya sa Immaculate Conception Cathedral kung saan ikinasal sina Dingdong at Marian? Doon din kasi bininyagan si Dingdong. O, baka naman sa isang simbahan sa Makati? Sa isang exclusive village kasi sa Makati nakatira sina Dingdong at Marian.

Kabilang sa godparents ni Baby Letizia sina Ai-Ai delas Alas, Gabby Eigenmann at Teena Barretto na kaibigan ng daddy at mommy ng bagets.

Sa latest picture ni Baby Letizia na ipinost ni Marian sa kanyang Instagram account, nahahati na kina Dingdong at Marian ang features ng kanilang baby. Habang lumalaki, lalong nagiging cute at gumaganda si Baby Letizia na magti-three months old na on Feb. 23. Hindi kaya itataon sa kanyang monthsary ang binyag ng bagets? Hula pa more!

comments