Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alden sorely missed in serious acting

Alden sorely missed in serious acting

alden richards

May bago na naming gagawing album si Alden Richards sa GMA Records. Nakatakdang makipag-meeting ang Pambansang Bae sa GMA Records executives para pag-usapan at pagplanuhan ang susunod niyang album matapos mag-triple platinum ang kanyang “Wish I May” album.

Certified hit din sa YouTube ang carrier single nitong “Wish I May” at may 7 million views ang lyrics at official music video nito.

Request naman ng fans ni Alden, sana raw ay gumawa rin siya ng teleserye sa GMA. Nami-miss na raw nila na umaakting ang kanilang idolo. Kahit pa araw-araw siyang napapanood sa “Eat Bulaga,” iba pa rin kung napapanood din siya sa isang TV series.

Very true!

Ayon sa isang source, aayusin ang schedule ni Alden para mapagbigyan ang hiling ng kanyang fans. Hindi pa lang kasi makapag-commit si Alden dahil may “Eat Bulaga” siya. May mga racket pa siyang shows, bukod sa commercials.

comments