Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Enrique and Liza happy together

Enrique and Liza happy together

14enrique and liza copy copy

MARAMI ang naku-curious sa totoong estado ng relasyon ng magka-loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Nasabi pa noon ni Enrique na hihintayin muna niyang mag-18 si Liza bago niya ligawan ang aktres. Dahil nga nag-debut na si Liza nitong Enero, kaya muling natanong ang dalawa kung kumusta na ang relasyon nila at kung may ligawan na bang nangyayari?

Sabi ni Enrique, “I would say not like before… siguro it develops more. Pero nandoon pa kami sa point na hindi pa pwede sa ngayon. You know, we have things in mind that we have to prioritize.

“Pero we’re in a place na we’re so happy. I’m happy. Label doesn’t really mean anything as long as you’re happy.”

Si Liza naman ay masaya lang na si Enrique pa rin ang ka-loveteam niya hanggang ngayon. “Masaya po kami na lagi kaming magkatrabaho. It’s really good being with him because the foundation of our friendship ay sobrang solid. I’m just happy with what’s going on right now,” ani Liza.

Samantala, excited na sina Liza at Enrique sa kanilang pagbabalik sa primetime ng ABS-CBN matapos ang kanilang hit teleseryeng “Forevermore.” Muli nga silang magbibida sa bagong Kapamilya teleseryeng “Dolce Amore,” sa ilalim ng direksyon nina Cathy Garcia-Molina at Mae Cruz-Alviar.

Ginagampanan ni Enrique ang role ni Tenten, masipag at lahat ng raket ay pinapasok para lang makatulong sa kanyang pamilya. Si Liza naman ay gumaganap bi-lang si Serena, na mula sa mayamang pamilya sa Italy. Pagtatagpuin ang landas nina Tenten at Serena sa Pilipinas. Paano kaya uusbong ang pag-iibigan sa pagitan nila?

Kasama rin sa cast ng “Dolce Amore” sina Matteo Guidicelli, Cherrie Gil, Rio Locsin, Edgar Mortiz, Sunshine Cruz, Andrew E., Kean Cipriano, Ruben Maria Soriquez at Frenchie Dy. Sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives, ang “Dolce Amore” ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa Feb. 15. (GLEN SIBONGA)

comments