Home » News » News Roundup » Killers ng judge timbog

Killers ng judge timbog

Dalawang suspects na pumatay umano kay Cagayan Regional Trial Court Judge Andres Cipriano sa kasagsagan ng eleksiyon noong May 2010 ang nahuli sa isang raid sa pinaghihinalaang kuta ng mga kriminal sa Barangay Pinagsama, Taguig City kahapon.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspects na sina Jose Cabeza, pinuno umano ng isang gun-for-hire syndicate, at si Noel Ismael. Dalawamput-isang katao, kabilang ang dalawang suspect, mga pinuno din ng iba pang gun-for-hire syndicates, isang police trainee, at sundalo, ang nahuli sa raid na isinagawa ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group, National Capital Region Police Office, at Highway Patrol Group.

Narekober sa mga suspects ang limang baril, tatlong M203 grenades, tatlong hand grenades, sari-saring bala at magazines ng baril, 100 gramo ng pinaghihinalaang shabu, at drug paraphernalia. Ang mga suspects ay sasampahan ng mga panibagong mga kaso bukod pa sa mga kasong kasalukuyan nilang hinaharap.

comments