Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Arci Muñoz gets first big break after 9 years

Arci Muñoz gets first big break after 9 years

gerald and arci munoz

DREAM come true kay Arci na lead role siya sa “Always Be My Maybe.” First leading lady role niya ito, kaya bakit pa nga naman siya mag-iinarte sa mga eksenang gustong ipagawa sa kanya ni direk Dan?

Aniya, almost nine years na siya sa showbiz at ngayon lang siya nabigyan ng lead role, kaya sobrang thankful siya sa Star Cinema.

“Pana-panahon lang talaga,” ani Arci.

Nag-enjoy siyang katrabaho si Gerald at ayon kay Arci, sobrang gentleman ang aktor. Hindi raw kataka-takang maraming babae ang nai-in love kay Gerald. Kung wala nga raw siyang boyfriend, posibleng ma-fall rin siya with Gerald.

“Why not? Coconut! Nasa kanya ang lahat ng katangiang hinahanap ng isang girl para maging boyfriend,” ani Arci.

Pansin lang ng entertainment writers, panay ang tawa (ang lakas pa) ni Arci habang ongoing ang tanungan portion sa presscon ng ABMM. Panay pa ang touch niya sa balikat at hita ni Gerald. Joke tuloy ng isang writer, hindi raw kaya nakainom ng Ginebra si Arci? If you may care to know, calendar girl si Arci ng Ginebra San Miguel ngayong 2016.

comments