Home » News » Local » Rita Daniela bounces back from grief

Rita Daniela bounces back from grief

NAGAGAWA na ngayong ngumiti ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela. Hindi gaya noong nakaraang taon nang pumanaw ang kanyang ama na si Red Valdez.

Namaalam ang kanyang ama ilang araw bago mag-Pasko. Kaya hindi nga raw naging masaya masyado ang Pasko ng kanilang pamilya.

“Nasa memorial park kami noong mismong Dec. 25. Hindi namin inaasahang mangyayari ang gano’n kay Papa.

“Ang bilis ng mga pangyayari but we were prepared for it. Nakaramdam na kami na hindi na aabot si Papa ng Pasko,” kuwento pa ni Rita.

Nagsimula raw ang lahat sa isang major operation at hindi na raw naka-recover doon ang ama ni Rita.

“Nagkaroon kasi siya ng heart bypass operation noong Dec. 16. After the operation, parang lalo siyang nanghina.

Hanggang sa maospital na siya. Hindi na siya naka-recover from that operation. Kaya hinanda na naming magkakapatid ang puwedeng mangyari kay Papa.”

May last picture nga si Rita ng kanyang ama na nakunan noong Dec. 16. Walang hinala si Rita na iyon na pala ang huling picture niya na kasama ang amang buhay pa.

“Bago namaalam si Papa, nakita niya kaming magkakapatid na kumpleto. I know na masaya siya when he said goodbye.

“Kaya noong Christmas, it was like a celebration of his life. Yun ang naging celebration namin. Wherever he is, alam kong lagi niya kaming babantayan,” ngiti pa ni Rita.

Ngayon ay muling busy si Rita sa kanyang singing career at kasama siya sa all-star charity album ng GMA Records na “One Heart.” Kasama niya rito sina Yasmien Kurdi, Maricris Garcia, Ralf King, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Glaize de Castro at iba pang mga Kapuso artist.

Ang proceeds mula sa digital downloads ng album ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation.

Handa nga ulit si Rita na mag-audition para sa “Miss Saigon.” Mas ready raw siya ngayon.

“Noong una akong nag-audition, I was only 16 years old. Ngayon 20 na ako, more than ready na ako.

“Gusto ko talagang maging Kim sa ‘Miss Saigon’ and I am praying that I will be part of that historical musical.”
(RUEL J. MENDOZA)

comments