Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Six weeks preggy si Nadine Samonte

Six weeks preggy si Nadine Samonte

nadine samonte

Six weeks pregnant si Nadine Samonte, courtesy of her nonshowbiz husband na si Richard Chua. Anak si Richard ng character actress na si Isabel Rivas.

Ikinasal sina Nadine at Richard noong 2013 sa farm ni Isabel sa Iba, Zambales. After three years, magkakaroon na sila ng baby.

Kabilang sa “Starstruck 1” si Nadine, ka-batch nina Jennylyn Mercado, Katrina Halili at Yasmien Kurdi na mga nanay na ngayon.

Nai-post ni Nadine sa kanyang social media account ang ultrasound na nagpapatunay na buntis siya sa unang baby nila ni Richard. Sobrang happy at excited si Nadine na magiging nanay na rin siya a couple of months from now. Time out muna siya sa showbiz hanggang makapanganak siya.

Ang husband niyang si Richard ay nagtatrabaho sa isang airline company.

comments