Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Yasmien reveals frightening throat operation

Yasmien reveals frightening throat operation

18Yasmien Kurdi  copy copy

SOBRANG na-excite ang “StarStruck 1” First Princess Yasmien Kurdi dahil nakabalik ulit siya sa recording pagkatapos ng mahabang panahon.

Ten years ago, isa si Yasmien sa pinaka-promising na recording artists.

Naging big hit ang kanyang debut album sa ilalim ng GMA Records titled “In the Name of Love.” Naging hit ang singles niyang “In the Name of Love” and “I Know”. Nanalo rin ng ilang music awards si Yasmien dahil sa album niyang iyon.

Pero na-cut short ang pagiging singer ni Yasmien nang magpaopera ito sa lalamunan.

May kailangan daw kasing tanggalin na cyst na natagpuan sa kanyang vocal cords.

Kinatakot ni Yasmien na baka hindi na siya makakanta ulit.

“Wala pong guarantee na after the operation ay gano’n pa rin ang singing voice ko. Pero ang nangyari ay mas tumaas pa ang range ng boses ko.

“So parang nakatulong pa ’yung nangyaring operasyon sa akin.

“Noong mag-recording po ako for ‘One Heart,’ doon ko naramdamang na-miss ko ang recording studio.

“Gusto ko namang one day ay makagawa ulit ako ng album,” diin pa niya.

Ilan sa kasama ni Yasmien sa all-star charity album ng GMA Records na “One Heart” ay sina Maricris Garcia, Julian Trono, Rita Daniela, Ralf King, Glaiza de Castro, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Kylie Padilla, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, James Wright at marami pang iba.

Ang kikitain ng album mula sa digital downloads nito ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation.

“Ang mganda ay hindi lang ako nakabalik sa pag-awit, may mga matutulungan pa kami dahil sa kikitain ng ‘One Heart’ album,” ngiti pa ni Yasmien.

Matagal nang nabakante si Yasmien sa paglabas sa teleserye nang magtapos ang “Yagit” noong nakaraang taon.

Ayon pa sa aktres, naghihintay lang daw siya ng susunod niyang teleserye sa GMA-7.

“Paminsan-minsan po naman may guestings ako sa ibang show like ‘Magpakailanman.’ Pero iba kapag may regular show ka, ’di ba?

“Na-miss ko ang maging busy sa taping. Hopefully, this year magkaroon na po ako (ng regular show).”

comments