Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kris pinapaasa si Renz

Kris pinapaasa si Renz

Kris Bernal

“IN” yata sa mga showbiz couple na ang lalaki ang nagku-confirm kapag naghiwalay sila ng kanyang girlfriend. Naunang kinumpirma ni Zanjoe Marudo on national TV na break na sila ni Bea Alonzo.

Sumunod si Luis Manzano na nagsabing may pinagdaraanan sila ni Angel Locsin sa kanilang relasyon. Then later, inamin din nilang break na sila. Nag-post si Luis sa kanyang Instagram account na single na uli siya. Si Angel naman, tinawag na “ex” si Manzano.

After almost a month na pananahimik, inamin na rin ni John Lloyd Cruz na break na sila ni Angelica Panganiban.

Kinumpirma ito ni Ted Failon sa programa nila ni Noli de Castro sa DZMM.

Nagkita sina Ted at JLC sa isang event ng ABS-CBN at tinanong daw ni Ted si JLC sa estado ng relasyon nila ni Angelica. Inamin ng Kapamilya actor na “wala” na nga sila ni Angelica. Pero friends pa rin naman daw sila.

Itinanggi naman ni JLC sa isang nakausap na entertainment writer na may relasyon sila ni Bea Alonzo. Magkaibigan lang daw sila. Pero may mga sighting na diumano’y magkasama ang dalawa sa Tagaytay, Balesin Island at Hong Kong.

Same sex marriage

Sa kabila ng controversial na pahayag ni Manny Pacquiao tungkol sa same sex marriage, walang pakialam si Rosanna Roces. Sinabi niya kay Boy Abunda sa programa nitong “Tonight with Boy Abunda” na magpapakasal sila ng lesbian partner niya.

Ayon kay Rosanna, kung dati’y parang damit lang kung magpalit siya ng mga lalaki, ngayon ay ayaw na niya sa lalaki.

Natagpuan na niya ang hinahanap niyang tunay na kaligayahan sa piling ng isang tibo ( tomboy).

Kuwento ni Rosanna, 15 years old siya noong nakarelasyon niya ang tibo. Nag-live-in sila. Nagpaanak siya sa isang lalaki dahil gusto nilang magkaanak ng karelasyon niyang tibo. Dalawa ang naging anak ni Rosanna, sina Grace at Onyok.

Nagkahiwalay sila ng tibo. Nakipag-relasyon si Rosanna sa iba’t ibang lalaki. After 27 years ay nagkita silang muli ng ex-lesbian partner niya. ’Yun na! Feeling ni Rosanna ay natagpuan na niya ang kanyang “forever,” kaya nagbabalak na silang magpakasal. Sey mo, Manny Pacquaio?

Di papatol sa bading

No comment si Katrina Halili tungkol sa pahayag ni Manny Pacquiao sa same sex marriage. Nakausap namin si Katrina sa taping ng “Destiny Rose” at aniya, marami siyang kaibigang belong sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community, kaya ayaw niyang mag-comment sa sinabi ni Pacquiao na mas masahol pa sa hayop ang mga pumapatol sa kapwa lalaki at kapwa babae.

“No talk, no mistake, di ba?” ani Katrina. “Marami akong kaibigang bading na ang popogi. Napagkakamalan pa ngang boyfriend ko.”

Posible kayang pumatol siya sa isang bading? “Naku, hindi, ’noh! Nakakasuka (laughs). Ang babastos ng bunganga ng mga kaibigan kong bading (laughs). Pero gusto ko silang kasama. Masaya! Nakakaaliw sila.”

Ano naman ang masasabi niya kay Ken Chan? Nagdududa na ba siyang bading na ito? Feel na feel kasi ni Ken ang transwoman role niya sa “Destiny Rose.”

“Hindi ako sure (laughs). Hindi ko alam kung nabading na siya. Magaling siya talagang mag-portray ng role niya.”

Paasa girl

Paasa na naman si Kris Bernal kay Renz Fernandez. Kilig-kiligan (kuno!) siya sa panliligaw ng binata sa kanya. Effort kung effort si Renz at panay ang padala niya ng food and flowers kay Kris.

Maraming concerned friends and supporters ni Renz ang nag-aalala para sa kanya. Baka raw masaktan lang si Renz at matulad siya kay Carl Guevarra na ex-boyfriend ni Kris.

Effort kung effort noon si Carl para ma-win ang puso ni Kris. Gumastos pa si Carl sa isang out-of-the country trip nila ni Kris bilang birthday gift (kung hindi kami nagkakamali) sa dalaga.

Paduda pa noon si Kris sa pag-amin sa relasyon nila ni Carl, hanggang nag-break sila. Kesyo, career muna ang focus niya, ang press release ni Kris.

May ongoing teleserye sa GMA sina Kris at Renz. Tingnan natin kung pagkatapos nito’y maging masugid pa rin si Renz sa panliligaw kay Kris. Hindi kaya always be my maybe ang mangyari kina Kris at Renz? Malabong relasyon, walang kasiguruhan.

comments