Home » News » News Roundup » Dating tulak pinatay

Dating tulak pinatay

Isang 34 gulang na lalake ang binaril at namatay habang naglalaro ng pusoy sa harap ng isang tindahan sa Barangay Payatas, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Alfredo Baniqued, walang trabaho, ng Sagada St.

Ayon kay PO2 Jim Barayoga, may hawak ng kaso, naglalaro ng pusoy ang biktima sa harap ng isang tindahan sa Sierra Madre St. ng bigla siyang barilin ng ilang beses ng isang di pa nakikilalang lalake na agad niyang kinamatay.

Dati umanong tulak ng pinagbabawal na gamot ang suspek at ito ang nakikitang dahilan ng mga pulis kung bakit siya pinatay.

comments