Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dennis and Jen slowly coming out as couple

Dennis and Jen slowly coming out as couple

JENNYLYN AT DENNIS copy

UNTI-UNTI na ngang pinaparamdam nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang relasyon.

Kung noon ay tahimik lang ang dalawa sa nababalita nilang relasyon noon magsimula sila sa kanilang teleseryeng “My Faithful Husband” noong nakaraang taon, ngayon ay tila sinasabi nilang “action speaks louder than words”.

Nitong nakaraang Valentine’s Day ay hindi namataan sina Dennis at Jen sa anumang Valentine show sa mga hotels at malalaking concert venues. Yun pala ay nag-trip ang dalawa sa isla ng Batanes.

Lumabas na nga sa social media ang litrato nila Dennis at Jen na nasa Dakay House, ang pinakamatandang bahay sa isla ng Batanes.

Ayon sa isang tour guide na nakausap ng isang news team sa Batanes, dumating daw sa isla ang dalawa noong nakaraang Feb. 15.

Hindi ito ang unang pagkakataong nahuling magkasama sila Dennis at Jen sa isang bakasyon.

Noong November 2015 ay magkasama ang dalawang Kapuso stars sa Amsterdam, The Netherlands.

Nagbakasyon ang dalawa dahil nagtapos na ang pinagsamahan nilang teleserye.

Kahit na wala silang photo na magkasama, halatang magkasama sila dahil sa mga lugar na may solo silang litrato.

Bago nga ang mga sightings na ito, nakita rin sila Dennis at Jen na nagbabaksyon sa Balesin at sa diving resort sa Anilao, Batangas.

Namataan din sila na nanonood ng isang UFC fight at nanonood din sila ng mga concerts ng Maroon 5, Ariana Grande at ng kay Regine Velasquez-Alcasid sa Solaire Hotel.

Noong New Year naman ay wala ang dalawa sa traditional na New Year’s Countdown ng GMA-7 sa SM Mall of Asia.

Magkasama ang dalawa sa isang undisclosed location at doon sila nag-celebrate ng pagpasok ng 2016.

Sa huling interview ni Jen, sinabi nitong masaya siya dahil inspired na naman siya.

Si Dennis naman ay tahimik pa rin pero nag-hint ito na ginaganahan siya sa kanyang trabaho dahil may taong special sa kanya ngayon.

Parehong may bagong sisimulang teleserye sa GMA-7 ang dalawa. Si Dennis ay balik-tambalan with Heart Evangelista at si Jennylyn naman ay in-announce na sa Twitter ang kanyang bagong teleserye. Kasalukuyang tinatapos muna ni Jen ang pelikula with John Lloyd Cruz sa ilalim ng Star Cinema. (RUEL J. MENDOZA)

comments