Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake Vargas has new girl

Jake Vargas has new girl

JAKE Vargasjake vargas

HUWAG nang uma-sa ang fans nina Jake Vargas at Bea Binene na magkakabalikan pa sila. May bago nang girlfriend si Jake, non-showbiz ito. Hindi kaya ito ’yung long-time girlfriend ni Jake na taga-Olongapo?

Nag-break lang sila (kuno!) noong naging magka-loveteam sina Jake at Bea, hanggang eventually ay naging totohanan na.
After a year or two, nag-break sina Jake at Bea. Diumano’y nahuli ni Bea na may ibang special girl si Jake. The same girl kaya ang karelasyon ngayon ni Jake?

Bea claims, loveless pa rin siya. Naging vocal noon si Derrick Monasterio na crush niya si Bea. Hindi siya nag-pursue sa panliligaw dahil ayaw niyang maakusahang nang-aagaw ng ka-loveteam at boyfriend.

Natsitsika ngayon si Derrick kay Maine Mendoza. Hindi kaya maakusahan siya na nang-aagaw ng ka-loveteam? Ayaw ng AlDub Nation na may ibang umeeksena sa loveteam nina Alden Richards at Maine.

comments