Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ynna Asistio says she’s ready to go sexy

Ynna Asistio says she’s ready to go sexy

Ynna Asistio

Ynna Asistio

By RUEL J. MENDOZA

READY nang magpakita ng kanyang kaseksihan ang anak ni Nadia Montenegro na si Ynna Asistio.

Kinuha si Ynna ng aesthetics clinic na The Aura Ruz bilang celebrity endorser at layunin nilang paseksihin ito.

Nagsimula na si Ynnang dumaan sa ilang procedure at kapag successful, payag siyang mag-pose nang sexy sa mga sikat na men’s magazine.

“Nasa tamang panahon na,” ngiti pa ni Ynna.

“First of all, 24 years old na ako. I can decide on what I want na.

“Matagal ko nang gustong maging cover girl ng FHM and with The Aura Ruz, matutupad iyon.

“Hindi ko itatago ang magiging magandang resulta ng pagpapapayat ko. Pruweba iyon na magaling ang mga taong nagawang papayatin at gawing sexy ako.”

Aabutin ng pitong buwan hanggang isang taon ang gagawing procedure kay Ynna. Sa bawat improvement ng kanyang katawan, ipo-post daw ito ni Ynna sa kanyang social media accounts.

“Ang maganda sa The Aura Ruz, non-invasive ang mga procedures nila. Walang mga tusok-tusok. Kaya ang pagpapayat ko ay very safe.”

Masaya ring binalita ni Ynna na graduating na siya sa kursong broadcasting sa Centro Escolar University sa April ng taong ito.

“Finally , I will be graduating with a degree.

“Promise ko po ’yan sa parents ko na makakakuha ako ng college diploma kahit na pinagsasabay ko ang pagtrabaho sa showbiz.

Isang dahilan ang pag-aaral ni Ynna kung bakit hindi siya masyadong naging busy sa showbiz. Sa primetime teleserye ng ABS-CBN 2 na “On The Wings of Love” lang siya napapanood.

“Tapos na rin ang taping ko for “On the Wings of Love.”

“Talagang hindi muna ako tumanggap ng iba pang work kasi gusto kong mag-concentrate sa school.”

Magiging busy si Ynna sa mga susunod na buwan dahil tutulong siya sa kampanya ng kanyang amang si Macario “Boy” Asistio, Jr. na tumatakbo bilang mayor ng Caloocan City.

comments