Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derrick tagged as ‘user’

Derrick tagged as ‘user’

derrick monasterio

’KALOKA naman ang isyu kina Alden Richards, Maine Mendoza at Derrick Monasterio. Bina-bash ngayon si Derrick dahil sa pag-epal (pag-papel) niya sa AlDub love team nina Alden at Maine.

May mga nagsasabing “user” daw si Derrick dahil super sikat ngayon si Maine, kaya walang takot na nakikipagkaibigan si Derrick. Mapag-uusapan nga naman siya.

“Binuhay” naman ang gay issue kay Alden. Kesyo, hindi naman daw si Maine ang iniyakan ng Pambansang Bae nang natsikang magkasama sina Maine at Derrick sa Subic noong nakaraang Valentine’s Day, kundi si Derrick daw.

“Binuhay” rin ang isyu ng dating super closeness nina Alden at Derrick. May mga nag-joke na Pambansang Baekla na raw ngayon si Alden.

How cruel naman! ’Buti na lang, hindi “patola” (mapagpatol) si Alden sa kanyang bashers. Kal-ma lang siya.

Mahirap turuan ang puso. Huwag ipilit o i-push na mauwi sa real life ang reel love team nina Alden at Maine. May karapatang makipagkaibigan sa ibang lalaki si Maine at kung eventually ay mauwi ’yun sa pag-iibigan, mahirap pigilan ang tunay na itinitibok ng puso.

Pero siyempre, kung ang AlDub nation ang masusunod, gusto nilang sina Alden at Maine ang magkatibukan ang puso para sa isa’t isa. Kung sila ang meant to be, mangyayari ’yun sa tamang panahon. Sing na lang ng “Wish I May.”

comments