Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Katrina says she doesn’t need a boyfriend

Katrina says she doesn’t need a boyfriend

Katrina Halili

THREE years nang loveless si Katrina Halili since nag-break sila ni Kris Lawrence, ama ng 4-year-old daughter niyang si Katie. Happy naman siya with her life now, ayon kay Katrina.

“Dati, nalulungkot ako kapag walang boyfriend. Parati akong naghahanap dahil ’yun ang nagpapasaya sa akin. Pero ngayon, okey lang kahit wala akong lovelife. Ang anak ko ang nagpapasaya sa akin. Si Katie ang inspirasyon ko,” pahayag ni Katrina nang nakausap namin sa taping ng “Destiny Rose.”

Aniya pa, since nagkaanak siya, hindi na siya gumigimik. Wala na siyang nightlife at kapag tapos na siya sa kanyang trabaho, uwi na siya ng bahay at parang parati siyang sabik makita at makapiling ang kanyang anak.

“Hindi ko na kailangan ng boyfriend,” ani Katrina.

Wala nga raw nanliligaw sa kanya. “Natatakot yata sa akin (laughs).”

Kontrabida si Katrina sa “Destiny Rose” at aniya, hindi isyu sa kanya kung nata-typecast siya sa gano’ng role.

“Masaya naman ako. Pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon, siyempre, gusto ko ring magbida.

“Gusto ko ring gumawa ng pelikula with John Lloyd Cruz. I’m happy for Jennylyn Mercado dahil magkatrabaho sila ni John Lloyd sa isang pelikula,” saad ni Katrina.

Batchmates sila ni Jennylyn sa “Starstruck 1” at ngayon ay pareho silang unwed mothers.

May 5 – (or 6?) year-old son si Jen, courtesy of Patrick Garcia, now happily married sa isang non-showbiz girl at dalawa na (both girls) ang anak nila.

Nakipagbalikan naman si Jen (although ayaw pa nilang aminin) kay Dennis Trillo. Recently ay magkasama sila sa Batanes.

Travel buddies

Travel buddies sina Mikael Daez at Megan Young na ayaw pa ring diretsang umamin sa kanilang boyfriend-girlfriend relationship. What you see is what you get ang “drama” nila, gaya nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Feeling teenagers?

Spotted na magkasama kamakailan sina Mikael at Megan sa Singapore. Pagkatapos ay tumuloy sila sa South Africa kung saan super bonding din sila. Nag-sight-seeing sila, nag-food trip, umakyat ng bundok at, ayon kay Mikael, kahit takot si Megan, kinaya nito.

Ayon pa kay Mikael, akala niya’y mahal ang mga bilihin sa South Africa. Nagulat siya na sobrang mura pala.

By the way, kasama si Mikael sa “Poor Señorita,” bagong primetime series ng GMA na pangungunahan ni Regine Velasquez-Alcasid. Isang janitor ang role ni Mikael.

In real life, señorito si Mikael. Well off ang kanilang pamilya. Pero never ipinagyabang ’yun ni Mikael at very down-to-earth siya.

Wrong timing

Mukha namang hindi affected si Bea Binene na may bagong girlfriend ang ex-boyfriend niyang si Jake Vargas. Matagal na siyang naka-move on sa kanilang break-up. Siya (Bea) naman ang nag-initiate, kaya madali siyang naka-get over sa split nila.

Wrong timing ang tsika kina Maine Mendoza at Derrick Monasterio. May bagong teleserye sina Bea at Derrick, “Hanggang Makita Kang Muli.” Sa halip na sa kanilang dalawa ma-focus ang publicity, hindi maiwasang mabanggit si Maine kahit hindi siya kasama sa cast.

Ano kaya kung i-guest si Maine sa HMKM? Masaya!

comments