Home » News » News Roundup » Babae patay matapos tumalon sa Pasig River

Babae patay matapos tumalon sa Pasig River

Isang bangkay ng babae ang natagpuang lumulutang sa Pasig River kahapon ng umaga sa Barangay Hulo, Mandaluyong City.
Napag-alaman sa mga residente ng lugar na nalunod ang babae matapos siyang tumalon sa ilog. Ang biktima diumano ay may sakit sa pag-iisip.

Ayon kay Senior Supt. Joaquin Alva, Mandaluyong Police chief, ang babae na nasa edad na 30 hanggang 40, ay nakasuot ng green shirt at black shorts nang makuha mula sa tubig ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) at Mandaluyong Police bandang 9:20 a.m., isang oras matapos na siya’y tumalon sa ilog.

Sinabi ni Senior Inspector Jose Villarta, Mandaluyong Police Criminal Investigation chief, ang unang pagtatangka ng biktima na tumalon sa ilog ay napigilan pa ni Josefino Jose, isang residente.

Sinabi ni Jose sa police na nakita pa niyang naglakad palayo sa lugar ang biktima matapos niyang mapigilan ito sa pagpapakamatay.

comments