Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rochelle finally engaged

Rochelle finally engaged

ROCHELLE Pangilinan

BUTI pa sina James Reid at Nadine Lustre, nagpakatotoo na sa estado ng kanilang relasyon. Inamin na nila na officially together sila since Feb. 11 this year. Hindi na hopia (hoping) ang JaDine fans na mauwi sa real life ang kanilang reel love team.

Walang nag-pressure kina James at Nadine na aminin ang kanilang relasyon. Noong una, hindi nila pinaasa ang kanilang fans. Friends lang sila, working partners. But then, sadyang mapaglaro ang tadhana. Little did they know na unti-unti na palang nagkakadebelopan ang feelings nila sa isa’t isa, hanggang nagka-in love-an sila.

Kailan naman kaya aamin sina Xian Lim at Kim Chiu? Matagal na ang press release nila na walang label ang kanilang relasyon. Consistent sila sa pagsasabing masaya lang sila sa isa’t isa.

May pumipigil ba sa kanila na huwag aminin ang kanilang relasyon? O, sadyang walang dapat aminin dahil hanggang on-screen lang ang kanilang love team?

Kaliga nina Xian Lim at Kim Chiu sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, Mikael Daez at Megan Young. Bagaman marami ang nagsasabing may relasyon ang mga ito, wala pa ring pormal na pag-amin.

Idagdag na rin sa listahan sina Coco Martin at Julia Montes. And who else pa nga ba?

Engaged na

Finally, engaged na sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan. After eight years ng BF-GF relationship, mauuwi na rin ito sa kasalan. Sa isang resort sa Balay, Indang, Cavite naganap ang marriage proposal ni Arthur kay Rochelle na nasaksihan ng ilang malalapit nilang kaibigan.

Sa past interviews kay Rochelle na dating Sex Bomb dancer, parating itinatanong ng press sa kanya kung kailan sila magpapakasal ni Arthur. Ang parati niyang sagot, “Wala pa. Hindi pa nagpo-propose si Arthur. Baka ako na lang ang mag-propose. Ako na lang ang bibili ng engagement ring kahit hulugan.”

Hindi man sabihin ni Rochelle, napi-pressure na siya sa paulit-ulit na tanong sa kanya.

Hindi niya akalaing sosorpresahin siya ni Arthur sa marriage proposal nito sa kanya.

Pinsan ni Dingdong Dantes si Arthur, pati si Carlo Gonzales na ang girlfriend ay ang news reporter na si Luanne Dy.

Once in a while, nagpi-pinch hit si Luanne kay Iya Villania sa “Chika Minute” segment ng “24 Oras.” Kailan naman kaya magpo-propose si Carlo kay Luanne?

Di kaya napi-pressure?

Nadagdag sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa listahan ng mga engaged couples. Ang “It Girls” na sina Solenn Heussaff, Georgina Wilson at Isabelle Daza ay engaged na sa kanilang respective boyfriends na pawang foreigners. Nauna si Solenn na may mga nagsasabing kasal na sa fiance niyang si Nico Bolzico. Pero ang press release, celebration of union lang ang naganap.

Si Anne Curtis na lang sa “It Girls” ang hindi pa engaged sa boyfriend niyang si Erwan Heussaff, younger brother ni Solenn. Hindi kaya napi-pressure si Anne?

Si Rufa Mae Quinto ay engaged na rin sa kanyang Filipino-American boyfriend na si Trevor Magallanes. Si Camille Prats ay engaged naman sa kanyang non-showbiz boyfie na si John Yambao at sa January next year ang kanilang kasal.

Engaged na rin si Maricris Garcia (dating kagrupo nina Jonalyn Viray at Aicelle Santos sa La Diva) sa kanyang non-showbiz BF. Sino pa kaya ang susunod na mag-a-announce na engaged na sila? Abang-abang!

Mga pusong bato

May kinalaman kaya ang hindi pagtanggap ni Julia Barretto sa apelyidong Baldivia, kaya malamlam pa rin ang kanyang career? Tunay na apelyido ito ng biological father niyang si Dennis Padilla. Sumuko na si Dennis na ipaglaban ang karapatan niya bilang ama at ipinaubaya na niya kay Julia kung Barretto ang gusto nitong gamiting apelyido.

Kung tutuusin, star material si Julia. Noong una niyang pasok sa showbiz, hinulaang magiging big star siya sa ABS-CBN. Pero bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang makabuwelo si Julia?

Napag-iwanan na siya ng ibang Kapamilya stars na ka-edad niya. Ayon sa mga taong nakausapnamin, nega (negative) raw kasi ang dating ni Julia dahil sa paglaglag niya sa apelyido ng kanyang biological father, bukod pa sa hindi yata siya nag-e-effort makipag-communicate sa kanyang daddy.

Pero bakit naman si Andre Paras? Ayaw naman niyang napag-uusapan ang kanyang biological mother na si Jackie Forster.

Sa kabila ng mga paawa effect na litanya ni Jackie, walang epekto kay Andre at nananatiling matigas ang kanyang puso. Hindi rin siya nag-e-effort makipag-communicate sa kanyang tunay na ina.

Career-wise, mukhang kahit papaano’y may liwanag ang kanyang bituin. Hindi nawawalan ng project si Andre sa GMA. May mga ginawa rin siyang pelikula. Sad to know nga lang na flopsina (flop) sa takilya ang huling ginawa ni Andre, ang “Girlfriend for Hire” with Yassi Pressman.

comments