Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derrick denies Valentine date with Maine

Derrick denies Valentine date with Maine

Toni Gonzaga

SIYEMPRE naman, kailangang i-deny ni Derrick Monasterio ang isyu sa kanila ni Maine Mendoza. Or else! Hindi siya tatantanan ng bashers.

Wrong timing naman kasi ang pag-epal (pagpapel) ni Derrick, eh, kainitan pa ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Natural na lalabas na mang-aagaw, manggugulo, manggagamit si Derrick.

Sa presscon ng “Hanggang Makita Kang Muli,” buong ningning na itinanggi ni Derrick na nag-date sila ni Maine sa Subic noong nakaraang Valentine’s Day. Aksidente lang daw na nagkita sila roon.

Kasama niya (Derrick) raw ang kanyang mga kaibigan, si Maine naman ay ang grupo ng “Eat Bulaga.” Siyempre raw, nagbatian sila dahil magkakilala naman sila ni Maine.

Ayon pa kay Derrick, wala siyang intensiyong guluhin ang AlDub love team nina Alden at Maine. Respeto na lang daw at sana raw ay huwag na siyang i-bash ng AlDub fans.

Itinanggi rin ni Derrick na pinagsabihan siya ng GMA management na tigilan na niya ang pakikipag-close kay Maine.

Duda ng press, pinagsabihan talaga si Derrick na itanggi ang namumuong closeness nila ni Maine. Makakasira nga naman kasi ’yun sa tambalan nila ni Bea Binene sa “Hanggang Makita Kang Muli.”

Ayon pa kay Derrick, nakapag-usap na sila ni Alden. Okey sila at never naapektuhan ang kanilang friendship. So, there!

Deadmahan

Siyempre, expected na ang sagot ni Bea Binene nang hingan siya ng reaction tungkol sa bagong girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Jake Vargas. Non-showbiz ang lovey dovey ngayon ni Jake na Cella Mendoza ang name.

Ani Bea sa presscon ng “Hanggang Makita Kang Muli,” it’s been over a year na nag-break sila ni Jake. Matagal na siyang naka-move on at happy siya for Jake na may girlfriend na ito ngayon.

Nali-link ngayon si Bea kay VJ Marquez, anak nina Joey Marquez at Alma Moreno. Pero ani Bea, for now ay wala siyang panahong mag-entertain ng mga manliligaw. Ayaw pa muna niyang mag-boyfriend muli at career muna ang focus niya, lalo na ngayong very challenging ang role niya sa HMKM.

Ani Bea, kapag nasa set sila ni Derrick Monasterio ay hindi sila nag-uusap. Deadmahan sila para makapag-concentrate sila sa karakters na ginagampanan nila.

“Hindi puwede ang pa-cute at pa-tweetums na acting. Seryosohan talaga,” sambit ni Bea.

Sa March 7 ang pilot telecast ng HMKM pagkatapos ng “Wish I May” sa GMA Afternoon Prime.

Tribute

Ngayong Biyernes na ang “The Master Showman Final Bow” bilang tribute sa yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno. Ang special na ito’y hatid ng GMA na naging “tahanan” ni Kuya Germs sa loob ng maraming taon hanggang kinamatayan niya ang pagiging loyal sa Kapuso Network.

Mapapanood ang tribute sa “Master Showman,” from 10 to 11 p.m. Tampok sina Regine Velasquez, Billy Crawford, Dingdong Dantes, Jaya, Dennis Trillo, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, Jessa Zaragoza, Ara Mina, Rachel Alejandro, Gian Magdangal, Gino Padilla, John Joven, Christian Bautista, Jullie Anne San Jose, Keempee de Leon, Gerphil Flores, Vina Morales, Jackielou Blanco, Mariz, Sunshine Cruz, Jerold Napoles, Betong Sumaya, Nar Navico, Pekto at marami pang iba na dating miyembro ng “That’s Entertainment,” gayun din ang mga aspiring stars ng “Walang Tulugan with the Master Showman.”

Arte-artehan

Arte-artehan naman si Toni Gonzaga na ayaw kumpirmahin ang balitang pregnant na siya sa first baby nila ng husband niyang si direk Paul Soriano. Ani Toni, sa tamang panahon niya sasagutin ang issue.

Ano ba ’yun? Legally married naman sila ni direk Paul. ’Yung ibang aktres na nabuntis kahit hindi pa kasal ay umaamin bago pa tuluyang lumaki ang kanilang tiyan.

May gano’ng kaartehan din si Toni noong nabalitang ikakasal na sila ni direk Paul. Isinikreto niya ang saktong petsa ng kasal nila weeks or months bago nalamang June 12, 2015 ang kanilang wedding day.

Pagbigyan na natin ang trip ni Toni na ayaw pang kumpirmahin kung buntis na siya. Si direk Paul, may pahaging na handa na siyang maging daddy.

comments