Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angel nagselos kay Jennylyn?

Angel nagselos kay Jennylyn?

HANGGANG hindi nagsasalita sina Luis Manzano at Angel Locsin sa totoong dahilan ng kanilang break-up, patuloy ang iba’t ibang “nakakalokang” ispekulasyon.

May mga kumukuwestiyon sa respective genders ng ex-sweethearts. Diumano’y gay si Luis, lesbian naman daw si Angel. Napikon nga si Luis, kaya pinatulan niya ang isang basher. Si Angel naman, sasapukin daw niya nang todo ang nagsabing “silahis” ang kanyang ex-boyfie.

Ang latest dahilan ng kanilang break-up diumano’y pinagselosan ni Angel si Jennylyn Mercado. May gano’ng factor?

Nananahimik si Jennylyn at happy na siya kay Dennis Trillo kahit ayaw pa rin nilang umaming nagkabalikan sila.

Ayon sa tsika, nagkita diumano sina Jennylyn at Luis sa isang high-end mall. Kasama ni Jen ang kanyang pamilya at manonood sila ng sine. Noong nakita raw sila ni Luis ay binati sila ng aktor. Matagal-tagal daw nag-usap si Luis at ang mommy Lydia ni Jen.

Parang mahirap paniwalaang nagselos si Angel kay Jennylyn dahil lang sa insidenteng nagkita ito at si Luis.

Nabababawan kami sa kuwentong ito na ewan kung totoo o gawa-gawa lang ng kung sino. Mema (may maikuwento) lang.

Throwback

Nag-throwback si Rita Avila noong presscon ng “Hanggang Makita Kang Muli.” Aniya, dahil kay direk Laurice Guillen kaya naging artista siya.

Naghahanap noon ng mga bagong artista ang Seiko Films, kaya inirekomenda siya (Rita) ni direk Laurice sa producer na si Robbie Tan. Mga sexy films ang ginawa noon ni Rita. Nakatrabaho niya sina Jestoni Alarcon at Gardo Verzosa na naging contract stars din ng Seiko Films.

Graduate na si Rita sa pagiging sexy star at drama actress na siya ngayon. Sa “Hanggang Makita Kang Muli,” she plays Glenda Manahan, mother ni Calvin (Derrick Monasterio).

Nasa cast din ng HMKM ang veteran actress na si Luz Valdez who plays Conching, ang tiyahin ni Odessa (Ina Feleo).

Siya ang nakakaalam ng sikreto ng kanyang pamangkin na kumidnap at nagpahirap kay Bea Binene.

First time katrabaho ni Luz si direk Laurice at anang veteran actress, sobrang nerbiyos siya kahit ilang dekada na siya sa showbiz industry. Takot daw siyang ma-“award” (matalakan) ng batikang lady director.

Balik-akting

Nag-taping na si Regine Velasquez ng “Poor Señorita” at aniya, parang naninibago siya sa pag-arte. Matagal na kasi ’yung huling acting job niya sa GMA, ang “ I Heart You Pare” with Dingdong Dantes.

Hindi niya natapos ang naturang serye dahil nabuntis siya sa first child nila ng husband niyang si Ogie Alcasid. After giving birth, hindi na muna tumanggap ng teleserye si Regine para makapag-focus siya sa pag-aalaga sa kanilang baby.

Four years old na ngayon si Nate, kaya pwede nang mag-teleserye si Regine. Light comedy ang “Poor Señorita,” kaya enjoy-enjoy lang ang Asia’s Songbird sa taping. Walang mabibigat na eksena. Si Dominic Zapata ang direktor at tampok din sa “Poor Señorita” sina Mikael Daez, Sheena Halili, Valeen Montenegro, Jaya, Ervic Vijandre, Jillian Ward, Kevin Santos, Snooky Serna, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla at ang “Starstruck 6” 1st Prince and Princess na sina Elyson de Dios at Ayra Mariano.

Di bagay

Siguro naman magpapagupit na ng buhok si Jake Cuenca ngayong tapos na ang afternoon series niya sa ABS-CBN. Hindi bagay sa kanya ang long hair. Nawala ang kanyang appeal.

Ang tigas pang tingnan ng long hair ni Jake na parang hindi siya nagsusuklay. Noong nag-guest siya sa “Tonight with Boy Abunda” kasama sina Joseph Marco at EJ Falcon, nakaka-distract ang long hair ni Jake.

comments