Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aunor’s Vegas wedding issue resurfaces as she hits Pacquiao

Aunor’s Vegas wedding issue resurfaces as she hits Pacquiao

Nora Aunor

DAHIL sa pagpatol ni Nora Aunor sa controversial statement ni Manny Pacquiao tungkol sa same sex marriage, naungkat tuloy ang isyung diumano’y nagpakasal sila noon sa Las Vegas, Nevada ng former business manager niyang si Nori Sayo na belong sa LGBT community. Nasaan na nga ba ito ngayon?

Reaction ng ibang tao, kaya raw pala ganoon na lang ang pagtatanggol ng superstar sa mga belong sa LGBT community.

Hindi nagustuhan ni La Aunor ang sinabi ni Pacquaio na mas masahol pa sa hayop ang mga tumataguyod sa same sex marriage.

Binuweltahan ng superstar si Pacquiao. Aniya’y mas masama ang sugarol at babaero. In defense of Pacquiao, kinuwestiyon naman ng kanyang mga tagapagtanggol ang diumano’y pagka-casino ng superstar.

Kakampi ni La Aunor ang “mag-asawang” Aiza Seguerra at Liza Dino sa pagbatikos kay Pacquiao. Eh, si Monique Wilson kaya na self-confessed lesbian?

comments