Home » News » Local » Jay-R taps social media to promote OPM

Jay-R taps social media to promote OPM

ISA sa big supporters ng OPM (Original Pilipino Music) ay ang R&B King na si Jay-R.

Sa pamamagitan ng kanyang record label na Homeworkz, patuloy ang pag-produce niya ng OPM sa pamamagitan ng mga local artist na may album sa ilalim ng kanyang record label.

“I started with this record label back in 2007. In 2009, we started music distribution.

“With the help of social media, it will be easier for every album to get that media exposure.

“Before kasi, walang mga ganyan. A singer has to get bookings from TV shows para makapag-promote ng album or even a single.

“Ngayon kasi, wala nang masyadong ganyan kaya social media is the best medium to let the whole world know that we have this great album that they can download and listen to,” pahayag pa ni Jay-R.

Ang pinaka-goal ng Homeworkz ay ang bawat music artist ay may sariling music at walang sinusunod na formula.

“Lahat ng artists that we signed up have artistic freedom.

“We are not at the mercy of any recording company telling us na ganito dapat ang music mo para it will appeal to a bigger audience.

“Yes we want our music to sell pero we also want our own music to be heard.

“Alam namin na may market ang alternative music. Kaya we are here to tap that market,” diin pa niya.

Kabilang sa mga artists ng Homeworkz ay sina Robin Nievera, Aicelle Santos, Kyla, Nina, Kris Lawrence, Billy Crawford at ang girlfriend ni Jay-R na si Mica Javier.

Personal na inaasikaso ni Jay-R ang marketing ng bawat album.

“This is what I’m concentrating on now. I want each album ng bawat artist namin ay may magandang airplay and they are getting exposure on social media.

“I enjoy doing this because ever since I started in singing, I’ve always wanted to create new sound and share it with music-lovers out there.

“Gusto naming ipaalam that we have such great singers and songwriters. We are for original music. So please support OPM music,” pakiusap pa ni Jay-R.

Nakilala sa music scene ang 35-year old na si Jay-R (Gaudencio Sillona III in real life) dahil sa hit OPM single niyang “Bakit Pa Ba?” in 2003. (RUEL J. MENDOZA)

comments