Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aldub kilig nabawasan na

Aldub kilig nabawasan na

Aldub

BIG deal ba ang halik ni Alden Richards kay Maine Mendoza? Pinagtatalunan kung dampi lang ba ’yun sa gilid ng labi ni Maine, gaya ng claim nila ni Alden, o dampi talaga sa lips.

Pambawi ba ’yun sa isyu kina Maine at Derrick Monasterio para maibalik ang kilig-kiligan moments ng AlDub? Marami kasing viewers ng “Eat Bulaga” ang nakakapangsing nabawasan na raw ang kilig kina Alden at Maine.

Ayon nga sa ginawang tula ni Joey de Leon, kahit daw palipad na hanging halik, nararamdaman pa rin ’yun. Mukha nga dahil kung pagbabasehan ang mga reaction nina Alden at Maine, tila ninanamnam pa nila ang dampian ng kanilang lips o kahit pa ang kine-claim nilang dampi lang sa gilid ng bibig ni Maine.

That is, kung inaakting lang nila ’yun dahil nasa harap sila ng kamera. Dagdag kilig factor nga naman ’yun sa televiewers at sa studio audience.

By the way, thankful si Alden sa Anak TV Seal Awards sa parangal na ibinigay sa kanya bilang isa sa mga Makabata Stars 2015. He was voted one of the most admired TV personalities in the country. Ayon sa GMA Artist Center talent, isang malaking karangalan at blessing sa kanya na nagsisilbi siyang inspirasyon sa mga kabataan.

Di nakasagot

Sa guesting nina Alden Richards at Maine Menodza sa “Tonight with Arnold Clavio,” sinabi ni Maine na five years ago huli siyang nagka-boyfriend. Kung turning 21 siya on March 3, ibig sabihin, 15 or 16 years old si Maine noong nagka-boyfie siya.

Nang tanungin sina Alden at Maine ni Arnold kung gaano nila kamahal ang isa’t isa, parehong hindi nakasagot ang dalawa. Bakit kaya? Parang may pag-aalinlangan kina Alden at Maine.

Hindi rin nila sinagot kung nararamdaman ba nila ang mga sinasabi nila sa isa’t isa sa kalyeserye. Sinabi kasi nilang wala silang script, may guide lang sila at inaadlib lang nila ang mga sinasabi nila.

Nakakalungkot lang ang pambabatikos ngayon sa gender ni Alden. Pinagdududahan ang kasarian ng Pambansang Bae. May supporters na rin sina Derrick Monasterio at Maine Mendoza. Nananatiling tahimik si Maine sa isyu sa kanila ni Derrick, kahit itinanggi na ng huling magkasama sila noong nakaraang Valentine’s Day.

Buntis!

Magkakaroon na si Bimby Yap ng kapatid sa amang si James Yap. Five months pregnant ang Italian girlfriend ni James na si Michela Cazzola. Pangatlong anak na ito ni James na ang panganay ay 11 years old. Non-showbiz ang nanay ng bagets na ex-girlfriend ni James.

Turning 9 naman si Bimby na anak ni James sa ex-wife niyang si Kris Aquino. Wala pang reaction si Kris sa pagbubuntis ni Michela. Ano rin kaya ang reaction ni Bimby na magkakaroon siya ng bagong kapatid?

Ang half-brother niyang si Joshua ay anak naman ni Kris kay Phillip Salvador. Nineteen (or 20?) years old na si Joshua.

Dito sa Pilipinas gustong manganak ni Michela. Ayon sa ilang close friends ni James, sobrang excited ang basketbolista sa pagbubuntis ni Michela. Bakas na bakas daw sa mukha ni James ang happiness.

Seryoso kaya?

Jessica raw ang ipapangalan nina Vic Sotto at Pauleen Luna kapag nagka-baby sila. Sinabi ito ni Vic kay Jessica Soho nang interbyuhin silang mag-asawa sa “Kapuso Mo Jessica Soho.” Sey pa ni Vic, para raw tunog Jessica Soho kung Jessica Sotto ang ipapangalan nila sa magiging baby nila ni Pauleen.

Joke lang kaya ’yun o seryoso si Vic na Jessica ang ipapangalan nila?

Mapapanood ang kabuuan ng interbyu ni Jessica sa Sotto couple ngayong Linggo sa GMA7.

Samantala, nasa SM Baguio Events Center ang Kapuso stars na sina Gabby Concepcion, Valerie Concepcion, Joyce Ching, Mark Herras, Kris Bernal at Hiro Peralta para sa Kapuso Fiesta Festival.

comments