Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Donna Cruz in her mid-30s retains youthful look

Donna Cruz in her mid-30s retains youthful look

Untitled-1 copy

PARANG hindi nadagdagan ang edad ni Donna Cruz. Mukha pa rin siyang bata kahit nasa mid-30’s na siya at may tatlo nang anak na ang panganay ay 16 years old na.

Napanood namin si Donna sa “It’s Showtime” at kinanta niya ang “Kapag Tumibok ang Puso” na pinasikat niya noong kabataan niya. Ang ganda-ganda pa rin niya. Hindi siya tumaba sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak.

Tulad siya ng pinsan niyang si Sunshine Cruz na seksi-seksihan pa rin at may tatlo ring anak, all girls.

Pinsan din nila sina Sheryl at Geneva Cruz. May isang anak na babae si Sheryl na 14 years old, dalawa naman ang kay Geneva. Teenager na rin ang panganay ni Geneva na si Heaven (father is Paco Arespacochaga). Girl ang pangalawang anak ni Geneva sa isang foreigner.

Sa magpipinsan, si Donna lang ang hindi hiwalay sa asawa niyang si Dr. Yong Larrazabal na isang opthalmologist.

Nag-mamay-ari ng isang hospital at computer school sa Cebu ang pamilya nito.

comments