Home » News » Local » Helper binangungot

Helper binangungot

Isang 20 taong gulang na factory helper ang natagpuang patay ng kanyang kapatid sa isang pagawaan ng damit sa Barangay North Bay Boulevard South, Navotas City Sabado ng umaga.

Kinilala ng Navotas police ang biktima na si Richard Anticalado ng Barangay North Bay Boulevard South.

Ayon sa imbestigasyon, ginigising umano ang biktima ng kanyang kapatid para mag-almusal pero hindi ito bumangon at wala ng hininga. Isang kasamahan ang nakarinig sa biktimang umuungol hatinggabi ng Sabado.

Nilapitan niya ang biktima pero tumigil ito sa pagungol. Hinihinala ng mga pulis na namatay sa bangungot ang biktima. (Jel Santos)

comments