Home » News » Local » Scavenger nagpakamatay, nasagasaan sa QC

Scavenger nagpakamatay, nasagasaan sa QC

Isang scavenger ang umano’y nagpakamatay at nasagasaan ng bus sa Quezon City kahapon ng umaga. Iniulat ng Quezon City Police District-District Traffic Enforcement Unit na ang biktima ay 30 hanggang 35 taong gulang, may tangkad na 5’0” hanggang 5’2”, at nakasuot ng asul na T-shirt at kulay abong short pants.

Ayon kay Chief Insp. Erlito T. Renegin, hepe ng QCPD-DTEU Traffic Sector 1, binabagtas ng bus na minaneho ni Crisostomo Rexmon Arsenal, may asawa, ng San Jose del Monte City, Bulacan, ang Quezon Ave.-EDSA underpass sa may Barangay West Triangle papuntang Maynila ng may biglang bumagsak na tao sa harapan nito at nasagasaan.

Tumalon umano ang biktima mula sa ibabaw ng underpass. Namatay agad ang biktima dahil sa mga tinamong bali sa katawan. “The victim was seriously injured, causing his instantaneous death, as declared by the Metro Manila Development Authority Rescue Team,” sinabi ni Renegin sa kanyang ulat. Sumuko si Arsenal na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting into Homicide. (Francis T. Wakefield)

comments