Nabawi na ng Kalyeserye darling at social media sweetheart na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang kanyang na-hack na Instagram account.
Kung matatandaan ay na-hack for the second time ang social media account ni Maine na labis na ikinabahala ng kanyang mga fans and followers.
Ang unang social media account ni Maine na na-hack ay ang kanyang Twitter account noong nakaraang taon. Pero pagkaraan ng ilang araw ay ibinalik ulit ang kanyang account at nag-apologize ang naturang hacker kay Maine at sa fans nila ni Alden Richards na AlDub Nation.
Noong nakaraang February 29, naibalik ulit ang Instagram ni Maine ay nandoon pa rin ang lahat ng mga nai-post niyang photos at videos.
Sa pamamagitan ng isang post ay nagpasalamat si Maine sa mga taong tumulong sa kanya na mabawi ang kanyang account mula sa isang mysterious hacker.
May mensahe pa si Maine sa mga susubok ulit na i-hack ang mga social media accounts niya, sana ay maghanap ang mga ito ng mas productive na gawain kesa ang manggulo sila ng buhay ng ibang tao.
Heto ang post ni Maine:
“My Instagram account is back! Big thanks to Sir @CarloOple for helping me retrieve my account and my photos! You don’t know how happy I am right now! Saktong sakto sa birthday ko!
“To those who are STILL trying to get into my social media accounts, naku naku naku may kalalagyan din kayo.
“It’s actually crazy how much effort people put into trying to ruin someone else’s life..but no, never will I give someone who is trying to bring me down the satisfaction of succeeding.
“Tip: Do yourselves a favor and do something worthwhile with your time.
“Don’t go around messing with other people’s lives just cause *clears throat* your life sucks. ? (credits to maichardpng for the maineemojilol)”
Kelan lang ay ginawaran si Maine bilang Best Social Media Influencer and Online’s Choice ng Nuffnang Awards 2016.
Nuffnang Awards is part of Blogopolis 4D, ang tinuturing na biggest blog and social media conference.
According to the social media network, ang kinabibilangan ni Maine na Kalyeserye ng “Eat Bulaga” “generates an average of four million mentions on a regular day”. (RUEL J. MENDOZA)